00:00Lumagda sa isang kasunduan ng inyong pambansang TV at ang National Irrigation Administration
00:05para maisulong ang mga proyekto at serbisyo sa irigasyon sa bansa.
00:11Yan ang ulat ni Bel Custodio.
00:14Nagsagawa ng contract signing ang inyong pambansang TV,
00:18People's Television Network Incorporated at National Irrigation Administration o NIA
00:23para sa programa na nilalayong ipaalam sa publiko
00:26ang mga proyekto at serbisyo sa irigasyon at mga kwento ng tagumpay ng NIA
00:31upang maisulongan transparency, accountability at suporta
00:35para sa agricultural productivity at siguridad sa pagkain.
00:39Patubig para sa bagong Pilipinas is more than just a catchphrase.
00:45It is a vision which we have embraced.
00:48It represents the crucial role of irrigation and achieving food security
00:56uplifting the lives of our farmers
00:59and contributing to the overall progress of our bagong Pilipinas.
01:05Hindi lang po tayo magpapadala ng tubig sa mga bukirin,
01:10magpapadala rin tayo ng kaalaman, inspirasyon at malasakit sa bawat tahanan.
01:16Ilan sa planong ibida ng NIA ay ang mga programa para sa food security,
01:21kagaya ng irrigation projects, pagbabago ng cropping calendar
01:24at bagong magsasaka rice o BBM rice.
01:28Bukod sa irrigation, makatutulong din ang 30-minute program
01:31para maging handa, lalo na ang mga magsasaka sa mga parating na kalamidad.
01:37Kaya na kasing matukoy ng weather forecasting system ng NIA
01:40ang mga paparating na sama ng panahon,
01:43dalawang linggo bago ito maranasan sa bansa.
01:45Gusto rin natin malaman ng taong bayan yung mga action na ginagawa natin
01:50para sundin ang otos ng ating Pangulo para sa food security.
01:55A few weeks from now, we will be seeing the program of NIA
01:59being beamed on Channel 4.
02:02And, you know, information is essential.
02:07Through information, we're able to bring the knowledge
02:11that needs to be imbibed by our people
02:14so that they may participate in nation building.
02:20Malaking hakbang ang pagtutulungan ng dalawang ahensya ng pamahalaan
02:24upang patuloy na makapaghatid na makabuluhang kaalaman at servisyo para sa Pilipino.
02:29Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.