00:00Isang bagong makinaryang inurunsad ng Land Transportation Office para mapabilis ang inspeksyon sa mga sasakyan.
00:07Ito ang Mobile Motor Vehicle Inspection Facility, nakasabay ng pagpapatupad ng no-contact apprehension policy.
00:15Yan ang ulat ni Isaiah Mirafentes.
00:19Kung dati, umaabot ng mahigit isang oras ang manumanong checking na ginagawa ng Land Transportation Office sa mga sasakyan,
00:27kada magpaparenew o magpaparehistro ng sasakyan.
00:31Ngayon, nasa 45 minutes ito sa pamagitan ng Mobile Motor Vehicle Inspection Facility.
00:38Sagot ito ng Land Transportation Office para makasabay sa makabagong panahon.
00:43Kanina, sinimula na itong gamitin.
00:46Isa sa kailangan sasakyan sa high-tech machine at ma-e-inspeksyon na agad ng iyong sasakyan.
00:51Hindi na ito pati itingin, hindi na ito visual-visual lang.
00:55Nakita nyo naman, pati yung ilalim ng truck, ilalim ng bus, e kaya na natin bigyan ng inspeksyon.
01:02Pero paliwanag ng LTO, para mas pulido ang pagsusuri, ima-manual check pa rin nila ang sasakyan.
01:09Ang makinaryang ito ay mobile o pwedeng ilipat-lipat sa kahit anong lugar.
01:14Halimbawa, kung isang bus company ay hihiling sa LTO na i-rehistro ang kanilang bus, dadalhin ng LTO itong MVIF sa kanilang terminal at para doon na gawin ang inspeksyon.
01:25Sa ngayon, prioridad ng LTO mga heavy vehicle na sila munang gagamit nito dahil sila ang madalas na nasasangkot sa matinding aksidente.
01:34Ngayon, wala pong bayad. Libre po yan. Pag-aralan namin, mag-isasaggunin namin kay Secretary Vance kung papabayaran natin yung ating mga operator na mga bus at truck.
01:46Akin naman, kahit konti lang. Kahit konti lang. Para yung consumable, yung mga consumable items, gaya yung rubber kung saan dumadaan yan,
01:56eventually mapupun po dyan. Kailangan palitan. Siguro we will cost that out kung makano lang ang kailangan namin.
02:02Pero ang mahigpit dito, sa ngayon, kapag may isang test na bumagsak, hindi na agad papayagang irehistro ang sasakyan.
02:10Inaasahan di na makatutulong ito sa ipinatutupad na no contact apprehension at para masiguro ang kalidad ng sasakyan tumatakbo sa kalsada.
02:20Ibinilita rin ng LTO ngayong araw na wala ng backlog sa printing ng mga plate numbers sa NCR at karamihan sa mga probinsya.
02:28Isaiah Mirafuentes para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.