Skip to playerSkip to main content
Planong magsampa ni Outgoing Senator Bong Revilla ng kasong cyberlibiler laban sa mga vlogger at personalidad na nagpakalat ng disinformation -bagay na nagpatalo umanosa kanya sa #Eleksyon2025


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Planong magsampa ni outgoing Sen. Bong Revilla ng kasong cyber libel laban sa mga vlogger at personalidad na nagpakalat ng disinformation, bagay na nagpatalo umano sa kanya sa eleksyon.
00:13Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:19Bigong makabalik muli sa Senado si re-electionist Sen. Bong Revilla at ang sinisisi niya rito ang mga nagpakalat umano ng disinformasyon tungkol sa kanya nung nagdaang eleksyon.
00:29I'm sad dahil babiktima tayo ng fake news at napaniwala nila yung ibang tao na gano'n nga yung totoo.
00:37Maraming mga kapataan na bumuboto. Hindi nila alam kung ano yung mga nangyari in the past years. Kaya dapat ma-inform natin sila.
00:45Isa sa tinukoy niyang fake news tungkol sa kanyang plunder case noon sa Sandigan Bayan kung saan siya na-acquit.
00:51May kumalat daw na peking dokumentong nagsasabing kailangan niyang ibalik ang P124M sa National Treasury.
00:57Sa mga social media posts, nakalagay na hindi pa rin niya umano isosoli ang pera. Bagay na hindi naman daw sinabi ng Senador.
01:05Matatandaang noong 2018, in-acquit ng Sandigan Bayan si Revilla pero hinatulan namang guilty si na Janet Lim Napoles at ang aid ni Revilla na si Richard Cambe kaugnay ng pork battle scam.
01:15Pero hindi malinaw kung sino ang dapat magsaulin ng halagang P124M.
01:21Ang giit ng kampo ni Revilla, dahil acquitted siya, wala rin siyang pananagutang sibil.
01:26Kaya balak daw ng Senador na magsampa ng kasong cyber libel laban sa vloggers at iba pang personalidad sa social media at websites.
01:34Makikipagtulungan daw sila sa NBI dahil pseudonyms lang ang gamit ng ibang account.
01:38Sa aking palagay, yes, orchestrated ito. Kung anong kulay, ayoko nang alamin. Siguro that's part of politics.
01:46Kasama yan sa labanan ng eleksyon. Pero ang hindi lang maganda dito, yung fake news.
01:52Kailangan muna matrace natin mabuti. Mahirap kasi mag-speculate. Ayokong magbintang.
01:59Nilinaw ng kampo ng Senador na hindi raw ito gawa ng mga Duterte.
02:02Pero may binitawang pahaging ang kanyang abogado kung bakit malamang hinila pa ba si Revilla na minsa'y nag-rank 2 pa sa Senatorial Surveys.
02:10Hindi man binabanggit kung sino'y yung dapat nabutohin.
02:16Pero when you try to pull down somebody, meron siguradong aangat because sila ngayon yung mabuboto.
02:23Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.
02:32Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.
Comments

Recommended