00:00Ang usap-usapang ganda ng isang beach sa El Nido, Palawan, true to life talaga, ayon sa ilang turista.
00:07Pero ang masiglang turismo may masamang efekto rin pala sa supply ng mayinom na tubig sa lugar.
00:12May unang balita si Pam Alegre.
00:17Pinyag sa naglalakihang limestone formation, paraisong napupuno ng luntian at bughaw.
00:24Ito ang El Nido Tai Tai Managed Resource Protected Area sa Palawan.
00:28Seven Commandos ang tawag sa beach na ito dahil dati raw maraming puno ng ipil dito at pinagpuputol.
00:34Ilagay sa isang barko para ibenta sa kung saan.
00:37Pero sa sobrang dami raw ng punong pinutol, tumirig daw yung barkong Seven Commandos malapit sa beach na ito.
00:44Patok din ang big lagoon para sa kayaking.
00:46Huwag matakot, tumaob dahil mababaw lang naman ito.
00:49Tuklasin din ang lihim ng secret lagoon na nagkukubli sa cueva.
00:53Aktibo ang turismo sa El Nido dahil sa madalas na trending sa social media ang angking ganda nito.
00:59Kaya dito pinili magbakasyon ang balikbayang si Marites.
01:01The ocean is very clear and it's good. The weather now is not too hot.
01:06Pero ang umahati kabunturismo na naghahati ng kabuhayan, may singil naman ba kaya sa kalikasan?
01:11Sa ulat ng Palawan Council for Sustainable Development Staff o PCSDS noong 2023,
01:18naging patuloy raw ang pagdami ng total and fecal coliform sa tubig ng El Nido mula 2007.
01:24Noong 2011, higit daw sa allowable standards ang fecal coliform para sa drinking at potable water.
01:30Ang mataas na konsentrasyon ng fecal coliform maaaring magdulot ng diarrhea at pagsusuka.
01:35Sinubukan namin kunin ang panig ng lokal na pamahalaan pero wala pa silang tugon sa amin.
01:39Sa official Facebook account ng Municipal Health Office ng El Nido,
01:43nakapos ang ordinansa na nagtatakda sa mga establishmento at mga water supply provider
01:47na magkaroon ng ligtas na mahiinom na tubig.
01:50Bahagi nito ang pagkakaroon ng regular na water quality monitoring.
01:54Ngayong buwan, nagsagawa ng sanitation monitoring at water sampling na sanitation staff
01:58ng LGU para suriin ang kalidad ng tubig.
02:01Pinangonahan din ng Municipal Health Office ng El Nido
02:04ang food sanitation training sa mga commercial establishment.
02:07Kahit may ganitong mga babala sa tubig inumin,
02:09pinili pa rin ni Fergal mula sa Ireland na dito magbakasyon.
02:13So we just kind of mainly drink bottle of water.
02:16Even in restaurants, we'll just bring our own bottle of water and even brushing our teeth.
02:20Ito ang unang balita mula rito sa El Nido, Palawan, Bamalagre,
02:24para sa GMA Integrated News.
02:39Altyazı M.K.
02:44Altyazı M.K.
02:47You