00:00Mga kapuso dobli, ingat po lalo na sa mga bumabiyahe ng madaling araw.
00:06Imbis kasi naihatid sa kanilang bahay,
00:09dineretso ng isang tricycle driver ang kanyang dalagitang pasahero
00:13sa isang hotel sa Antipolo, Rizal.
00:17Nahuli kami yan sa pagtutok ni Bea Pinlock.
00:23Sumakay ng tricycle sa kahabaan ng Marcos Highway sa Antipolo City
00:27ang 16-anyos na babaeng ito.
00:29Tauwi na sana siya galing sa part-time job niya bilang waitress sa isang restaurant.
00:34Nagtaka na raw ang biktima ng biglang mag-uter ng tricycle.
00:37Imbis na sa bahay ihati ng dalaga,
00:40sa isang hotel siya ay dinidiretso ng tricycle driver.
00:43Sabi ko po sa kanya,
00:45kaya ibabamon na lang po ako dito kasi hindi naman po ako dito nagpapadali.
00:50Tapos ang ginawa niya naman po, binilisan niya po lalo yung takbo.
00:55Yung takbo ng tricycle niya.
00:57Tapos natatakot na po ako noon kasi po hindi ko na po alam ang gagawin ko.
01:02Nahinto sila doon sa isang hotel na ipapasok sana siya doon para mag-check-in siguro.
01:10Kaso itong biktima nagpapalag.
01:13Ayon sa barangay, unang pumasok sa hotel ang lalaki at nag-abot pa ng pera sa kahera sa front desk.
01:18Maya-maya, binalikan na niyang babae sa labas,
01:22hinawak-hawakan pa ng tricycle driver ang biktima at inakbayan.
01:26Nangihila niya po ako.
01:28Tapos pumasok po kami doon sa hotel kasi nangihilipo sana ako ng tulong kaso na tatakot po ako sa kanya.
01:35Nagbabayad po siya pero hindi po tinatanggap nung cashier yung bayad niya.
01:42Kasi hindi ko nga alam po yung kilala.
01:46Ayon sa barangay, kasintahan ng menor de edad ang pakilala ng tricycle driver sa kahera na itinanggi ng biktima.
01:53Nung hindi tinanggap ang bayad, niya sabi ng cashier, kapag magpipilit ka sir, tatawag ako ng barangay.
01:59Ngayon, nung sinabing tatawag ng barangay, kinuha niya yung pera, sabay alis, sumakay ng tricycle, iniwan yung biktima doon.
02:07Nakahingi pa raw ng tulong ang biktima sa group chat nilang magkakamag-anak.
02:11Hindi ko po alam kung buhay pa ba siya o ano po, yung po agad ang pumasok sa isip ko po eh.
02:18Kaya nagmadali po talaga kami na puntahan kung saan po siya, paano na lang kung may nangyari talaga sa kanya na hindi maganda.
02:28Nakipag-usap na raw sila sa pamunuan ng TODA para matukoy ang lalaki sa tulong ng body number ng tricycle.
02:35Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng kaanak ng biktima sa mga otoridad para mahuli ang tricycle driver.
02:41Para sa GMA Integrated News, Bea Pinlak nakatutok 24 oras.
Comments