00:00Ilang tao naman ang kompermadong nasawi sa pagbagsak ng Cessna plane sa isang residential street sa California.
00:08Sa batala, produksyon naman ng 1 cent coin ng US, pinatitigil na si Joyce Salamatin sa Centro ng Balita.
00:18Ilang individual ang nasawi matapos bumagsak ang isang Cessna 550 plane sa isang residential street sa San Diego, California nitong Webes ng madaling araw.
00:29Ayon sa ulat, bumagsak ang eroplano sa isang bahay at nasunog ang may gitsampung sasakyan dahil sa tumagas na jet fuel.
00:38Kinumpirma ng Federal Aviation Administration na anim ang sakay ng eroplano.
00:43Isa sa mga nasawi ay kinilalang si Dave Shapiro, co-founder ng music agency na Sound Talent Group.
00:50Bagamat malawak ang pinsala, sinabi ng San Diego Fire Department na wala namang seryosong nasaktan sa mga residente sa lugar.
00:59Patuloy ang investigasyon ng mga otoridad sa sanhinang insidente.
01:03All the fatalities right now look to be that they're from the plane.
01:07There are more than one fatality that we've found so far, but we're waiting to get the registered numbers that were on the plane itself.
01:12So a private plane and it was registered out of the Midwest is where we had, is where the flight originated from.
01:17Emotional naman na umabila sa World Health Organization o WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa Israel na magkaroon ng awa sa mga mamamayan ng Gaza.
01:29Ito ay sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan sa kanilang lugar.
01:34Binigyang din ito ang hirap na dinaranas ng mga mamamayan doon na naiipit sa digmaan.
01:40Ayon sa WHO, higit dalawang milyong tao sa Gaza ang nasa bingit ng kamatayan dahil sa kakulangan sa pagkain, tubig at serbisyong medikal.
01:50Sa Amerika, kinumpirma ng Treasury Department na ititigil na ang produksyon ng kanilang one cent coin simula sa susunod na taon.
02:01Ang hakbang ay alinsunod sa utos ni U.S. President Donald Trump kung saan tinawag niya itong wasteful dahil sa mas mahal na production cost kumpara sa totoong halagaan niya ng nasabing bariya.
02:15Joyce Salamatin para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.