00:00Hindi doktor, kundi isang kumadrona o midwife
00:03ang nagtuli sa 10 taong gulang na bata na kalauna ay namatay sa Tondo, Maynila.
00:08Dati na rin siyang na-aresto dahil din sa pagpapanggap bilang doktor.
00:12May report si Jomer Apresto.
00:16March 2023, na ang arestuhin sa lying-in clinic na ito sa Tondo, Maynila,
00:21ang babaeng senior citizen na nagpapatakbo ng clinic at nagpapakilala parao na doktor.
00:26Ang gamit niya, pangalan at license number ng isang lihitimong doktor
00:31na dati na raw niyang nakatrabaho, mahigit 20 taon na ang nakakaraan.
00:36Sabi ng barangay, nakapagpiansa noon ang sospek na isang totoong midwife o kumadrona.
00:42Kamakailan, nagpakilala ulit siya bilang doktor sa isang lying-in clinic.
00:47Siya ang tumuli sa 10 taong gulang na si Macnathan Aqueen itong Sabado na namatay kalaunan.
00:52Ayon sa barangay, walang permit ang klinik.
00:55Walang request, so ang alam namin, hindi siya nag-ooperate.
00:58Ang alam namin, licensed midwife siya. Pero doktor, hindi.
01:03Ayon naman kay Marjorie, nanay ng nasawing bata,
01:06sa online niya natuklasan ng clinic dahil assistant daw doon ang isa sa kanya mga kakilala.
01:11Ang sabi pangaraw sa kanya, tatlo na ang natuli sa clinic noong araw na yun.
01:151,200 pesos lang daw ang bayad, kaya napapayag si Marjorie.
01:20Bago tuliin, tinurukan daw ng anesthesia ang kanyang anak na ayon sa assistance sa klinik ay nasa 20cc ang dosage.
01:28Pero ilang minuto matapos matuli, napansin ni Marjorie ang panginginig ng anak.
01:33Napatagal pa po doon, sabi po sa akin, ang doktor, normal lang daw po yung kasigrogy.
01:38Nakikita ko na po nangingitin yung anak ko yun po.
01:41Tinakbo na po namin ang kalipin sa ospital.
01:44Tapos ayun po, dead on arrival na po.
01:47Kasunod dito, agad nilang ipinablatter ang babaeng nagtuli sa anak.
01:51Nang dalhin sa MPD, pinauwi rin ang sospek dahil kailangan pa raw i-otopsi ang bata
01:55para malaman ang sanhinang pagkamatay.
01:58Hindi ko pa po alam kung ipapadoble autopsy ko po.
02:04Para po kasing naawa na po ako sa anak ko.
02:07Sobrang bata po na anak ko para mamatay na dahil lang sa ganyan.
02:15Sobrang sakit po sa akin.
02:18Pangalay ko po yun.
02:20Hindi ko po talaga siya mapapatawad.
02:24Sinusubukan pa rin namin makuha ang panig ng nagtuli sa bata.
02:28Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:33Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
02:36Magsubscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.