Skip to playerSkip to main content
24 Oras: (Part 1) Police corporal na sangkot sa robbery-extortion at carnapping, arestado; nagpakilalang doktor na nagtuli sa nasawing 10-anyos, hindi umano lisensyado at dati nang inaresto; 4 na tulak umano ng iligal na droga, timbog sa buy-bust operation, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00This is Philippine Gold Club.
00:07Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:15Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:19Arestado ang isang police corporal na sangkot sa robbery, extortion at carnapping sa lungsod ng Kaluokan.
00:27Nananakit pa raw ang suspect sa mga biktima na hindi nagbibigay ng pera sa kanya.
00:31Tinutugis ngayon ng mga otoridad ang isang kasamahan nito at nakatutok si Oscar Oida.
00:40Sa mismong headquarters ng Northern Police District, inaresto ang isang police corporal kaninang hapon.
00:46Hinuli siya ng mga tawa ng Quezon City Police District matapos madawid sa kasong robbery extortion at carnapping.
00:53Kwento ng umunay biktima nito na itago natin sa pangalang Ariel.
00:57Pinara ang kanyang motorsiklo ng dalawang lalaking nagpakilalang mga police sa northbound lane ng EDSA.
01:03Isinakay daw siya sa isang SUV na may tatlo paumanong ibang sakay.
01:08Piniwan yung motor ko doon, tapos dinala kami kahit saan-saan.
01:15Tapos yung tatlong kasama kong nakasakay doon, hinihingyan ng pera na kung meron sila pwedeng lapitan na yung magbayad sa kanila.
01:26Pumunta kami ng Valenzuela dahil yung kapatid doon ang isa magbibigay rin ng pera.
01:31Pero nung pumunta po kami doon, nung wala yung kapatid, umalis po kami, inintay namin, inintay nila yung nagbigay yung isa.
01:39May mga panahon umanong sinasaktan pa umano ang mga ito.
01:43Nung wala silang makuha, binugbog nila yung isa, nadugwan na.
01:47Tapos tinawagan yung kapatid, nagmamakawa yung kuya na bigay mo na tol, bigay mo na tol.
01:54Kung hindi nilibibigay yan, papatayin na nila ako rito.
01:58Kaya po nagbigay po ng pera kagad yung kapatid na isang nahuli po.
02:03Makalipas ang may git-alim na oras na paikot-ikot ng sakyan,
02:08pinababa daw ang dalawang biktima sa may parting Del Monte Avenue sa Quezon City.
02:13Siya naman, ibinaba din kung saan siya kinuha.
02:17Nakunan ito ng CCTV ng barangay na nakakasakop sa lugar.
02:21Yung binaba po ako dyan, sabi sa akin, wala ka malang may bibigay, ikunin na namin yung motor.
02:27Yan po yung unang talagang sinabi nila, pagbaba.
02:30Wala ka yung mabibigay, ikunin namin yung motor.
02:33Oo po, yun yung inanonin.
02:34Yan po yung unang-unang pagbaba nila, sinabi nila.
02:37Opo.
02:38Tapos po yung, ano sabi ko, pwede po kunin yung cellphone ko kasi kailangan ko sa trabaho ko po yan, sabi ko.
02:45Ay, kung gusto mo, tuluyan ka na namin, sabi sa akin.
02:48Kasi gusto nila, salbis kami. Sabi ko, hindi po.
02:50Sa ginawang pagsisiyasat ng QCPD, nakumpirma na nga na ang isa sa mga suspect ay isang police corporal
02:57na nakatalaga sa District Personal Holding Administrative Section ng NPD.
03:02Na-validate nitong ating mga investigator at ito po ay na-identified through yung sa CCTV footage na recover.
03:13And dun po din sa, ano, sa kipag-ugnayan din kasi nakipag-ugnayan din ang ating mga operatiba
03:20dito sa Intelligence Division ng Northern Police District.
03:25Ayon pa umuno sa nakalat na impormasyon ng QCPD, may iba pang kaso na kinakaharap ang nasabing police.
03:33Kaya siya ngayon naka-presently assigned dito sa Northern Police District Personal Admin Section
03:43dahil meron din siyang mga previews na mga record when it comes to irregularities in the performance of duties,
03:53itong police na ito. So may dati na siyang involvement.
03:56Hindi kinilala ng QCPD ang naarestong police corporal.
04:01Sa ngayon ay sumasa ilalim na sa pag-iimbestiga ng SIDU ang naarestong police corporal.
04:07Pinagahanap naman na ang kasamahan nito.
04:10Paalala naman ng mga police sa publiko sakaling makaranas ng kaparehas na modus.
04:15Paalala natin sa publiko na kung may mga ganitong insidente na may magpakilalang police,
04:21huwag po tayong mahihiyang manigurado kung tingnan natin kung sila po ay nasa tamang uniforme
04:28at huwag mahihiyang hingyan po sila ng ID para po sa ating kaligtasan.
04:34Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida nakatutok, 24 oras.
04:41Matapos ang mahigit isang linggong pagmamanman, timbog.
04:45Sa by-bust operation, ang apat na tulak-umanon ng iligal na droga sa Rodriguez Rizal.
04:51Pinagahanap pa ang nakatakas nilang kasama na isang high-value target.
04:56Nakatutok si EJ Gomez.
05:06Pinada pa na mga police ang apat na tulak-umanon ng iligal na droga sa Rodriguez Rizal at Karatig Bayan.
05:13Sa bahay na ito sa Barangay San Rafael, na-aresto ang mga sospek pasado alas 4 ng madaling araw kahapon.
05:21Na-aresto kita sa salang pagbibinta ha, nangiligal na droga.
05:25Mahigit isang linggong minonitor, ang bahay na naging drug din umano ng mga sospek ayon sa polisya.
05:32Yung bahay na yun ay ginagawang drug din din nila.
05:35Doon na rin yung mga parokyano nila. Doon na rin gumagamit.
05:39So yun, natyambahan natin sila doon.
05:41Nasa bat sa mga sospek ang 116 grams ng umano'y shabu na may standard drug price na mahigit 788,000 pesos.
05:50Target daw ng Rodriguez Police ang isang high-value individual na nakatakas.
05:56Basis sa investigasyon, sa tagig nang gagaling ang supply ng droga ng mga sospek.
06:00Tatlo sa mga sospek ang nagsabing hindi sila tulak ng iligal na droga, pero umaming gumagamit sila.
06:07Sa custodial facility ng Rodriguez Municipal Police Station, nakakulong ang mga sospek na maharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
06:21Patuloy naman ang pagtuntun ng polisya sa nakatakas na sospek.
06:25Para sa GMA Integrated News, E.J. Gomez, nakatutok 24 oras.
06:33Hindi na nga lisensyado, dati pang nakulong ang nagpakilalang doktor na nagtuli sa batang binawian ng buhay ilang minuto lang matapos ang operasyon.
06:43Ayon sa mga otoridad, matagal nang walang permit ang lying-in clinic kung saan nasawi ang bata.
06:49At nakatutok si Jomer Apresto.
06:51Taong 2023, nang salakayin ng mga tauhan ng PNPC IDG Intelligence Unit, ang lying-in clinic na ito sa Balotondo, Maynila.
07:02Nakatanggap kasi sila ng reklamo na ang nangangasiwa raw ng clinic, isang babaeng senior citizen na nagpapanggap umanong doktor.
07:09Ginagamit daw ng sospek ang pangalan at license number ng isang lihitimong doktor na nakatrabaho niya mahigit 20 taon nang nakalilipas.
07:17Naaresto noon ang sospek na isang midwife o kumadrona.
07:21Ayon sa barangay, nakapagpiansa siya.
07:24Ngayon, siya rin umano ang nagpakilalang doktor at tumuli sa 10 taong gulang na si Mac Nathan Aquin nitong Sabado, May 17.
07:33Wala pang isang oras sa klinik na matay ang bata.
07:36Ayon sa barangay, matagal nang walang permit ang klinik.
07:39Walang request, so ang alam namin hindi siya nag-operate.
07:42Ang alam namin, licensed midwife siya.
07:45Pero doktor, hindi.
07:47Magiging vigilant sila kung registered ba, kung ano ba.
07:51Tsaka ang kami-tami natin hospital na pwede nilang puntahan.
07:54Kinumpirma rin ang nanay ng bata na si Marjorie na ang babaeng nahuli noong 2023
07:58at ang babaeng na nagpakilalang doktor at tumuli sa anak ay iisa.
08:01Nakatuklasan niya lang daw online ng klinik dahil assistant doon ang isa sa kanyang mga kakilala.
08:07Sinabi pa raw sa kanya na tatlo na ang kanilang natuli noong araw na yun.
08:11Sa halagang 1,200 pesos, napapayag si Marjorie na doon ipatuli ang anak.
08:16Bago tuliin, tinurukan daw ng anesthesia ang kanyang anak
08:20na ayon sa assistant sa klinik ay nasa 20 cc ang dose.
08:24Ilang minuto matapos ang pagtuli, napansin ni Marjorie na nanginig na ang kanyang anak.
08:29Napatagal pa po doon, sabi po sa akin ng doktor, normal lang daw po yung kasigrogi,
08:34pati po yung assistant.
08:36Tapos yun nakikita ko na po nangingitin yung anak ko yun po.
08:39Tinakbo na po namin ang kalipin sa ospital.
08:43Tapos ayun po, dead on arrival na po.
08:45Matapos mangyari ang insidente,
08:47dinala naman sa MPD ang babaeng nagtuli sa kanyang anak.
08:50Pero, pinauwi rin dahil kailangan pa raw i-autopsi ang bangkay ng bata.
08:54Nakatakdang i-autopsi ng NBI ang bangkay ng bata
08:57para malaman ang sarhi ng kanyang pagkamatay.
09:00Pero, nagdadalawang isip pa raw dito ang pamilya.
09:03Para po kasing naawa na po ako sa anak ko eh.
09:06Sobrang bata po ang anak ko eh.
09:08Para mamatay na dahil lang sa ganyan eh.
09:13Sobrang sakit po sa akin.
09:16Pangalay ko po yan eh.
09:19Hindi ko po talaga siya mapapatawad.
09:21Para sa GMA Integrated News,
09:24Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
09:28Sinusubukan pa rin namin makuha ang panig ng pagtuli sa bata.
09:34Kukuha ang deathbed ng dagdag na 16,000 guro ngayong taon
09:38para tugunan ang problema sa teacher-student ratio.
09:41Pero sabi po ng isang grupo, kulang pa yan
09:43dahil may git-isandaang libo ang kabuang kakulangan sa mga guro.
09:48Nakatutok si Ian Cruz.
09:51Dalawang magkasunod na taon ng aplikante si Cecilia
09:55para makabalik maging guro sa public school.
09:58Noong nakarang taon, di raw siya pinala
10:01dahil sa kakulangan ng mga sertifikasyon
10:03at ilang kasanayang kailangan
10:04para matanggap na guro ng Department of Education.
10:08Naayos na raw niya ang mga requirements.
10:10Kaya sana raw, makuha na siya ngayong taon
10:13lalot na balitaan niyang may 16,000 na guro
10:16ang kukuni ng deathbed.
10:19Magandang balita po sa amin na mga naga-apply, mga applicants po.
10:23Mas lumaki po yung pag-asa namin na magkaroon po kami ng trabaho
10:29at makapasok po kami sa public school.
10:32Umaasa ang deathbed na sa pagdaragdag ng mga guro
10:36mapapaganda na ang teacher-student ratio
10:39ng bawat klase na kritikal para matuto ang mag-aaral.
10:44Patuli din daw na tinututukan ng deathbed
10:46ang hiring ng mga guro sa bawat regyon
10:48para matiyak na hindi naantala ang appointment nila.
10:52Ayon pa sa deathbed, bilang suporta sa direktiba ng Pangulo
10:56na makapag-concentrate sa silid-aralan ng mga guro,
10:59sinimula na rin ng DBM ang pag-i-issue ng NOSCA
11:02o Notice of Organization, Staffing and Compensation Action
11:06para sa pagkuhan ng 10,000 admin staff ng deathbed.
11:10Madali lamang daw malaman kung may kakulangan talaga sa guro
11:13ang isang paaralan, sumilip lamang sa mga klase
11:17at makikita ang indikasyon na nagsisiksikan ang mga estudyante
11:21sa isang silid-aralan.
11:24Pero sabi ng Teachers Dignity Coalition,
11:26nasa 100,000 umano ang kabuang kulang na guro sa bansa.
11:31Kung na-address nila yung shortage
11:33at nagkaroon tayo nung 20,000 last year plus 16,000 this year,
11:39so kulang pa rin ng more than 60,000 yung guro natin
11:43para ma-address natin at maibigay natin
11:48yung talagang kailangang number of teachers.
11:51Mahalaga raw magtuloy-tuloy ang hiring ng guro.
11:54Dahil sa kakulangan ng mga guro,
11:56nasa sakripisyo raw ang kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral
11:59habang nangangahulugan naman
12:01ng mas mabigat na trabaho para sa mga guro.
12:05Dalawang bagay nga yan, tumataas yung trabaho niya
12:07dahil check-check niya isa-isa yung mga trabaho ng mga bata,
12:10yung exercises, yung grades niya, yung gagawin niya isa-isa.
12:14Individual yun eh.
12:15At hindi niya rin natututukan yung individual needs
12:17ng mga bata natin in terms of learning and even behavior.
12:23Sinisika pa ng GMA Integrated News sa makuwang paning ng DepEd
12:26bukul sa pahayag ng TDC.
12:28Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz sa Katutok, 24 oras.
12:33Abiso sa mga motorista, simula sa susunod na linggo,
12:37balik na ang No Contact Apprehension Policy o NCAP ng MMDA.
12:44Kung saan-saan niya ipatutupad at kung paano ang magiging proseso,
12:49lalo na sa mga mahuhuling lalabang sa batas trapiko,
12:53alamin natin sa pagtutok ni Joseph Moro.
12:55Sa lunes, May 26, simpatutupad ng muli ng Metro Manila Development Authority o MMDA
13:04ang No Contact Apprehension Policy o NCAP
13:06sa ilang lansangan sa ilalim ng kanilang horisdiksyon
13:09matapos tanggalin ng Korte Suprema
13:11ang Temporary Restraining Order dito.
13:13Ilan lamang ito sa mga monitor ng MMDA doon sa kanilang mga kamera
13:18na gagamitin nila sa NCAP o yung No Contact Apprehension Policy.
13:23At isa doon sa mga lugar kung saan merong NCAP na ipatutupad ang MMDA
13:28ay sa Commonwealth Avenue sa Quezon City
13:31kung saan kitang-kita ng mga kamera ng MMDA,
13:35ng mga mata ng MMDA, ang mga traffic violators.
13:38Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes,
13:41bukod sa Commonwealth Avenue,
13:43ang ilan pang mga lugar na may NCAP ang MMDA
13:46ay sa EDSA, C5, Ortigas, Ross Boulevard at Mabuhay Lanes.
13:51Malinaw ang mga CCTV ng MMDA.
13:54Pwede rin i-zoom in ang mga ito.
13:56Basically, yung mga violations po
13:58instead na physically i-apprehend ng ating enforcers
14:02ay CCTV cameras na po ang nung-holdin.
14:06Then ipapadala na lang po namin yung notice of violation
14:09sa registered address po nila sa LTO.
14:13Nasa dalawang pong pinakakaraniwan traffic violation
14:16ang huhulihin ng MMDA sa ilalim ng NCAP
14:19tulad ng hindi paggamit ng seatbelt at helmet,
14:21illegal parking, reckless driving, counterflow, overspeeding at iba pa.
14:26Naglalaro sa 500 pesos hanggang 3,000 pesos
14:30ang multa ng mga ito para sa first offense.
14:32Sa halimbawang ipinakita sa amin ng MMDA na kunyari
14:36ay huli walang takas ang motorsiklo na ito
14:39sa mga kamera ng MMDA.
14:41May litrato kung saan at kailan nangyari ang traffic violation
14:44at nakazoom in ang plate number.
14:48Bahagi ito ng ipadadalang notice of violation
14:51sa adresa na karehistro sa Land Transportation Office.
14:54Pero paano kung hindi ikaw
14:56ang may dala ng sasakyan na huli?
14:58Pwede raw itong i-contest o i-reklamo sa MMDA
15:01at magpakita ng pruweba na hindi ikaw
15:03ang may dala ng sasakyan ng mahuli ito.
15:06Pwede niya pong i-contest yan sa ating Facebook page
15:09at sa ating website.
15:11Meron po doon na fill upan lang silang form.
15:14So hindi na po nila kailangan pumunta sa MMDA.
15:18Ginagamitan daw ng artificial intelligence
15:20ang NCAP ng MMDA.
15:21Kahit po gamitin namin yung AI
15:23para po sa panguhuli,
15:25hindi po automatic yung ticket.
15:27Kailangan pong i-review pa
15:29ng aming mga tauhan
15:31kung talagang tama po
15:33yung pagkakaho ng AI.
15:34Bisa kasi masyad pong strict
15:36yung pong AI.
15:39Matatandaang tin-IRO
15:41ng Korte Suprema ang NCAP
15:42noong 2022
15:43matapos i-reklamo
15:45ng mga transport group.
15:46Pero kahit suspendido ito,
15:48nakapagtala pa rin
15:49ang mga kamera ng MMDA
15:50ng lampas 35,000
15:52na mga paglabag
15:53simula Enero hanggang Marso nitong taon.
15:55Pinakamarami ang disregarding traffic signs
15:58kasunod ang pagpasok sa bike lane
16:00at over speeding.
16:01Hindi raw kaya
16:02ng bilang ng kanilang mga tauhan
16:04at LTO
16:04na hulihin
16:05ang ganitong karaming paglabag.
16:07Kaya hiniling ng MMDA
16:09sa Korte
16:09na ilift ang TRO nila,
16:11lalo't sisimula
16:12ng ELSA rebuilding
16:13sa June 13
16:14kung saan heavy traffic
16:15ang kakaharapin
16:16ng publiko.
16:17Kahit yung no-contact apprehension,
16:19marami ding problema yan.
16:23Kailangan ayusin yan.
16:24Proseso po ito.
16:25It's a step in the right direction.
16:27Big victory yan
16:28not just for the government
16:29but also for the
16:32motorists and the commuters.
16:35Kasi
16:36it will
16:38impact a lot
16:39yung enforcement
16:40ng road safety.
16:42Hindi naman sakop
16:43ng nilift na TRO
16:44ang sariling NCAP
16:45ng ilang mga lokal
16:46na pamahalaan
16:47sa Metro Manila
16:48at ibang bahagi
16:49ng bansa.
16:50Para sa GMA Integrated News,
16:52Joseph Morong
16:53nakatutok 24 oras.
16:56Pinaiimbestigahan ngayon
16:57ang 28 police commander
17:00sa Metro Manila.
17:01Yan po ay matapos
17:02masilip sa surprise inspection
17:04ang mga outpost
17:05at assistance desk
17:07na walang nakatao.
17:08May nahuli ring
17:09nagsi-cellphone
17:10habang on duty.
17:11Nakatutok si June Veneration.
17:14Mga polis
17:18na nagsi-cellphone
17:19habang naka-duty.
17:20Outpost na tent,
17:22silya at mesa lang
17:23ang makikita
17:24at mga assistance desk
17:25na walang man lang
17:26malalapitan.
17:27Ilan lang yan
17:28sa naobserbahan
17:29ng mga undercover operative
17:30mula sa NCR Police Office
17:32sa dalawang araw
17:33na surprise inspection
17:34sa limang police district
17:36sa Metro Manila.
17:37Dahil dito,
17:3828 police commander
17:39na may rangong
17:40captain at major
17:42ang pinaimbestigahan
17:43ni NCR Police Chief
17:44Major General
17:46Anthony Abirin.
17:47As of this hour,
17:49may positive po na
17:51shampoo na subject
17:52for relief.
17:53Hinihintay na lang po natin
17:54yung pomelect clearance po.
17:56And the rest,
17:57maari pa po nga
17:57matagdagan po yung
17:58maririlip.
17:59Based po doon sa
18:00outcome po
18:01ng investigation.
18:02Buling pinaalala
18:03ng PNP Chief
18:04na bawal sa mga
18:05polis
18:06sa mag-cellphone
18:06habang naka-duty.
18:07Meron naman daw
18:08radyo na pwedeng
18:09gamitin
18:09para sa official
18:10communication.
18:11Ayaw namin yung
18:12text,
18:14dapat ang gusto
18:15namin
18:16ng mga polis
18:16namin alert.
18:17Magpapatuloy daw
18:18ang mga surprise
18:19inspection
18:19ng NCR Police Office
18:21para matiyak
18:22na wala
18:22nagpapabayang
18:23mga polis
18:23at kanila mga
18:24opisyal.
18:25Dapat daw
18:25isaisip
18:26ng mga ground
18:26commander
18:27na responsibilidad
18:28nila
18:28ang tutukan
18:29ang kanila
18:30mga tauhan.
18:30Sa ating mga
18:32kapulisan
18:32sa NCRPO
18:33deserve
18:34sa warning
18:35at sana
18:36sa pag-discharge
18:37po natin
18:38ng ating mga
18:38tungkulin
18:39dapat maging
18:40professional po tayo.
18:41Palagi po tayong
18:42gumawa ng tama.
18:43Pero ang pinakaayaw daw
18:44ng PNP
18:45ay kapag nasangkot
18:46sa katiwalian
18:46ang mga polis.
18:48Tiyak na tapos na rao
18:48ang karera
18:49ng isang polis
18:50kapag nalagay
18:51sa personal holding
18:52and accounting unit
18:53ang bagsaka
18:54ng mga naka-floating
18:55status na opisyal.
18:56Pag nilagay ka namin
18:57lagay ka sa pihaw
18:58yung
18:59you just wait
19:01for your retirement.
19:02You're out.
19:03Hindi po kami
19:04rehabilitation center.
19:05Para sa GMA
19:06Integrated News,
19:08June Van Rasyon
19:09na Katutok,
19:0924 oras.
19:10Happy midweek,
19:15chikahan mga kapuso.
19:16Tuloy-tuloy ang good reviews
19:18na natatanggap
19:19ni Naludo Madrid
19:20at Shira Diaz
19:21para sa kanilang
19:22action-packed series
19:23na Lolong
19:23Pangil ng Maynila.
19:25Kaya naman,
19:26extra grateful
19:27ang buong cast
19:27and crew
19:28para sa kanilang
19:29sumakses na moment.
19:31Makichika
19:32kay Larson Chago.
19:33Lalo pang
19:39nagiging
19:40intense
19:40ang istorya
19:41at hitik
19:42sa aksyon
19:43ang mga eksena
19:44ng Lolong
19:45Pangil ng Maynila.
19:46Kaya naman
19:47ang mga manunood
19:49hindi na
19:50bumibitaw.
19:51Sobrang
19:52saya ni
19:52Naruru Madrid
19:53at Shira Diaz
19:55sa magandang
19:56feedback
19:56at mas dumarami
19:58pang supporters
19:59ng kanilang
20:00action-drama
20:01serye.
20:02Hindi po
20:02madali
20:03ang gumawa po
20:04ng
20:05action na
20:06teleserye
20:06at bukod po
20:08dyan,
20:08nakita naman po
20:09natin
20:09itong mga
20:09huling mga episodes
20:10talagang binus
20:12na ni Elsie
20:13ang drama
20:13sa lahat
20:14ng mga eksena
20:15niya.
20:16Minugbog,
20:17inuntog ni Ivan,
20:19lahat-lahat.
20:20Minudo.
20:20Nilaggan ng kanin
20:21at minudo sa muka.
20:23Yes.
20:24Pero
20:24ito po yung
20:25magsisilbing
20:26panibagong
20:27lakas po sa amin.
20:28Masayang
20:29masaya kaming
20:29lahat dito.
20:30Nagbunga lahat
20:31ng pagod namin.
20:32Lahat ng iyak,
20:33lahat ng pawis.
20:35Lahat eh.
20:36Parang ano,
20:36yung nalaman namin
20:37na ito yung
20:38rating namin.
20:40Grebe,
20:40na-motivate kami,
20:41na-recharge kami,
20:43mas talo kaming
20:43ginanahang
20:44magtrabaho.
20:46Sa kwento,
20:47mabubuo na
20:48ang pamilya
20:49ni Lolong
20:49ngayong kasama
20:50na niya
20:51si na Elsie
20:52at Mimay.
20:53Gumagaling na rin
20:54ang kakambal
20:55ni Mimay
20:56na si Butchoy
20:57kaya't
20:57magkakasama-sama
20:58na ang buong
20:59pamilya.
21:01Tuwang-tuwa
21:02naman si Naruru
21:03at Syaira
21:04sa gumaganap
21:06ng mga anak nila
21:07na si
21:07na Shanna Stephens
21:08at Nathaniel James
21:10dahil sa ipinapakitang
21:12husay
21:12ng mga ito.
21:14Sobrang talented
21:15at saka
21:15malalambing.
21:17So,
21:18pagka nasa eksena,
21:19mararamdaman mo talaga
21:20na
21:20sincere sila.
21:22Yung,
21:22kumbaga,
21:22hindi lang sila
21:23nandito para,
21:25you know,
21:25para magtrabaho
21:26o magkulit.
21:28Hindi to sila
21:28para,
21:29para dun sa,
21:30para kita mo rin
21:31yung pagmamahal nila
21:31sa ginagawa.
21:32Pero hindi pa
21:33sa pagkakabuo
21:34ng pamilya
21:35ni Lolo
21:36ang matatapos
21:37ang lahat
21:37dahil napakarami
21:39pang mangyayari
21:40sa istorya.
21:42Marami po
21:42mga revelasyon
21:44ng mga
21:44mangyayarin
21:47dito po sa mga
21:48susunod po natin
21:49ng mga episodes
21:49at meron ding
21:51mga
21:53mabubuhay
21:54at madadagdag
21:55madadagdag
21:56na kalaban.
21:57Yes.
21:58Meron ding
21:59magkakaaminan
22:01kung ano ba talaga
22:02ang kanilang
22:03mga totoong
22:04pagkatao.
22:05Patapos na
22:06ang first half
22:06ng 2025
22:08at ngayon pa lang
22:09naghahanda na
22:11si Naruru
22:11at Shira
22:12dahil magiging
22:14abala sila
22:15sa maraming bagay.
22:17Meron kaming
22:17tour sa
22:19Canada
22:20ng August
22:21to September
22:21sa mga
22:22kapuso po
22:23natin
22:23na
22:24nandyan po
22:25sa Canada
22:26magkita-kita po
22:27tayo dyan
22:27nakasama ko po dyan
22:28si Kailin
22:29si Mama Ai Ai
22:31si Jessica
22:31so
22:32magkita-kita po tayo.
22:35Si Shira
22:35naman
22:35haharapin na
22:37ang mga dapat
22:38ihanda
22:38para sa
22:39nalalapit
22:40na kasal nila
22:40ng boyfriend
22:41at sparkle
22:42artist ding
22:43si EA Guzman.
22:45Magiging busy na ako
22:46sa wedding
22:47preparations
22:48dahil nalalapit
22:49na rin
22:49ang aking kasal
22:51so
22:51yun pa lang
22:53naman din
22:53busy sa
22:54business din.
22:55LOR
22:57Santiago
22:57updated
22:59sa
22:59showbiz
23:00happening.
23:00yun paul
23:01mga
23:06mma
23:07eo
23:081
23:082020
23:09길
23:09o
23:09mma
23:10a
23:11mat
23:12naman
23:13naman
23:14mma
23:14SA
23:19Mam
23:20mma
23:21P
23:22c
23:23young
23:23mma
23:25mma
23:25se
23:26trap
23:27etc
23:27mma
23:28mma
23:28mma
23:28but
23:29g
Comments

Recommended