00:00Walang agarang risk ng heart attack at stroke, kaya hindi na kailangan manatili sa ospital.
00:06Yan pong lumabas sa pagsusuri at rekomendasyon ng UPPGH, kaya inilipat na sa New Quezon City Jail.
00:13Si dating House Speaker Martin Romualdez na naharap sa kasong plunder kaugnay sa flood control projects.
00:19Iginagalang naman daw ni Romualdez ang besisyon ng Korte sa may giit na siya'y inosente.
00:25May unang balita si Bam Alegre.
00:3110.49pm nang dalhin sa New Quezon City Jail Mail Dormitory sa Payatas si dating Speaker Martin Romualdez mula sa
00:37UP Philippine General Hospital.
00:39Ayon sa PGH, 10.09pm nang makuha nila ang court order mula sa Sandigan Bayan 3rd Division para sa transfer
00:45of custody ni Romualdez.
00:47Isinakay ang kongresista sa ambulansya sa kaibiniyahe.
00:50Batay sa pagsusuri at rekomendasyon ng mga doktor sa PGH, hindi na kailangan manatili si Romualdez sa ospital.
00:56Wala raw siyang agarang risk ng heart attack at stroke at kontrolado ang kanyang blood pressure, diabetes at hypothyroidism.
01:03Bagaman may depression at anxiety, wala raw indikasyong sasakta ni Romualdez ang sarili.
01:07Bawat isa sa mga problemang ito, mga eksperto natin sinabi nila, totoong may problema na tuloy-tuloy pero hindi siya
01:15mga kailangan gamutin sa ospital.
01:18Pero hindi na inaalis na merong mga medical na kondisyon na kailangan gamutin pa rin.
01:23Maraming bantay na security vehicle ang ambulansya mula sa Philippine National Police at Bureau of Jail Management and Penology.
01:29Mahigpit ang police visibility at siguridad sa palibot ng New Quezon City Jail Mail Dormitory.
01:34Ayon sa BJMP, idiniretso si Romualdez sa infirmary, alinsunod sa direktiba ng korte at sa mga polisiya ng BJMP.
01:42Isinailalim din siya sa standard booking procedures katulad ng medical evaluation, pagkuhan ng fingerprint, mugshot, interview at orientation.
01:50Si Romualdez nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng pagtanggap umano niya ng kickback mula sa mga flood control projects.
01:56Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez na iginagalang niya ang desisyon ng korte.
01:59Giit ng dating speaker, inosente siya at haharapin niya ang kaso at sasagutin ng mga paratang.
02:05Ito ang unang balita, Bam Alegre, GMA News.
Comments