00:00Tuloy-tuloy ang pagtalakay ng COMELEC sa kasong isinampa laban sa Duterte Youth Party List noong 2019
00:07na siyang dahilan sa pagsuspindi sa proklamasyon ng grupo nitong katatapos na eleksyon.
00:13Giit ng COMELEC, saklaw pa rin nila ang kaso dahil sa June 30 pa magsisimula ang bagong kongreso.
00:20Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:21Ayos lang daw sa Commission on Elections ang pagdulog ng Duterte Youth Party List sa Supreme Court
00:30para hilinging utusan ng COMELEC na iproclama silang isa sa mga nanalong party list sa nagdaang eleksyon.
00:37Sinuspindi kasi ng COMELEC ang proklamasyon ng Duterte Youth at isa pang party list organization
00:43dahil sa nakabimbing kaso nila sa COMELEC.
00:46Natutuwa po tayo dahil kahit paano yung legal process ay nasinunod na.
00:51Lagi naman pong paraan to question ay yung tinatawag na certiorari,
00:56yung grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction.
01:01Ayon kay Garcia, kasalukuyang tinatalakay ng Komisyon ang kaso ng Duterte Youth na isinampan noong 2019.
01:08Sa kaso, hinihiling na ideklarang void ab initio o walang visa sa simula pa lamang
01:13ang registration ng Duterte Youth dahil hindi umano nito na sunod
01:17ang requirement of publication and public hearing.
01:21Nang magrehistro ito.
01:23Hawak ng COMELEC 2nd Division ang kaso pero nakatakbo pa rin ang Duterte Youth noong 2022.
01:29Let's wait and see.
01:30Anong malay naman po natin maunahan namin ng SC sa paglalabas ng isang desisyon.
01:35Ito yung tamang pagkakataon siguro na ma-resolve na nga yung issue na yan.
01:39Kasi otherwise po, they will always be hunted.
01:41Bakit sa tingin namin mayroong grave abuse of discretion?
01:45Kasi discretion na lang pala ng COMELEC ngayon kung kailan sila magpoproklama ng duly elected winners sa eleksyon.
01:53Ang Duterte Youth Party List po ay ibinoto ng lampas dalawang milyong Pilipino.
01:58Pag pumunta kayo sa resulta ng COMELEC, pag tinignan nyo yung love, local absentee voting ng ating mga pulis at sundalo,
02:07ang number one na binoto ng ating mga pulis at sundalo, Duterte Youth Party List.
02:11Pag pinuntahan nyo yung mga overseas voting precincts, karamihan, Duterte Youth Party List ang number one na ibinoto.
02:19Gitni Garcia may jurisdiction ng COMELEC sa kaso dahil sa June 30 pa, magsisimula ang termino ng mga mambabatas.
02:27Bukod dyan, ang kumandidato naman daw nitong nagdaang eleksyon ay yung party list mismo at hindi yung nominee.
02:34Ang binoboto, yung party list, ang mismong nakakaupo ang nominee.
02:38Kung issue po ng accreditation ng mismong party list, sa COMELEC po yun, hindi po siya sa HRAT.
02:47Matatandaang nangako ang COMELEC na re-resolbahin ang mga kaso ng Duterte Youth at bagong hederasyon bago mag-June 30.
02:55Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Horas.
03:08Outro
03:09Outro