00:00Hindi nakaboto ang isang senatorial candidate dahil hindi nakita ang pangalan sa voters list.
00:06Bentahan ng boto at flying voters naman ang problema sa ilang presinto.
00:10Nakatutok si James Agustin.
00:16Pumila pero hindi nakita ang kanyang pangalan.
00:19Kaya hindi nakaboto si senatorial candidate Amira Lidasan sa kanyang polling presinto sa Matanog Central Elementary School sa Maguindanao.
00:26Ilang butante rin ang nawala umano ang pangalan sa parehong lugar.
00:30Pero matapos ang pahirapang paghanap ng pangalan, nakaboto rin si Lidasan.
00:35Sa ilang lugar kahit ipinagbabawa ng pangangampanya sa mismong araw ng butohan,
00:39may ilan pa rin namata ang namimigay ng sample ballots gaya sa Makati.
00:43Tumigilang ang mga namimigay ng sample ballots nang may namata ang polis.
00:48Pero bumalik din sa pumamigay kalaunan.
00:50Sa pasay na kuhanan ng youth scooper nagkalat na mga sample ballot na ito sa Apelo Cruz Elementary School.
00:56May mga naitala rin namimigay ng sample ballots sa Isabela.
01:00Sa Carcar City sa Cebu, tatlong sangkot umano sa vote buying at vote selling ang magkakahiwalay na inaresto.
01:06Aabot sa limang libong piso ang halaga ng nakumpiskan ng mga otoridad.
01:10Sa bayan ng Cabiao sa Nueva Ecija, sampung flying voters umano na mula pa sa Metro Manila
01:14ang sumuko sa kalaban mismo ng kanilang ibinoto.
01:18Nakaboto umano sa iba't ibang lugar sa bayan ng mga naturang flying voter.
01:21At bukod sa kanila, mayroon pang hindi bababasas ang libong flying voters ang kanilang kasama.
01:27Mayroon din umanong hinihinalang flying voters na nakapasok sa bayan ng Talavera.
01:32Para sa Gemma Integrated News, James Agustin, nakatuto, 24 oras.
Comments