00:00Tiniyak ng Department of Agriculture na walang magiging problema sa supply ng karne ng manok
00:04sa kabila ng plano nitong pagpataw ng import ban sa poultry products mula sa Brazil.
00:10Ito ay matapos maitala ang unang kaso ng highly pathogenic avian influenza
00:14sa isang commercial farm sa Montenegro, Rio Grande do Sul.
00:18Ayong kay Agriculture Secretary Francisco Tulaurel Jr.,
00:21may ibang bansa naman ang maaaring pagkunan ng supply ng Pilipinas.
00:25Bukod dito, nananatili din sapat ang supply ng karne ng manok sa bansa.
00:30Sa hiwalay na pahayag, ikiniit ng Bureau of Animal Industry na nananatiling ligtas kainin ng poultry products sa bansa
00:36at mahigpit ang ginagawang hakbang ng pamahalaan contra bird flu.
00:41Nagpaalala din ito sa publiko na tanging ang mga karne na may meat inspection certificate lang ang bilhin.
00:48As far as supply is concerned, I really don't see any issue.
00:52Baka may brief supply gap lang na baka one or two weeks because they have to change origins.
01:00But in general, I don't see any issue because even our local poultry industry is medyo maganda ang production.
01:08Ang advantage lang ng Brazil, kaya malakas sila dahil sila pinakamura.
01:12So, baka mas makabililan tayo ng mga importers or processors na mas mahal ng konti.
01:19Pero I think the price difference is a few percentage.