Skip to playerSkip to main content
Talamak pa rin ang online pang-aabuso sa mga bata! Sa Quezon City, limang suspek ang inaresto sa tangkang pagbebenta sa sanggol na 7 days old pa lang! Habang sa Pampanga, bistado ang pambubugaw umano ng isang ina sa dalawang anak niyang menor de edad! May report si John Consulta.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Talamak pa rin ng online pang-aabuso sa mga bata.
00:03Sa Quezon City, limang sospek ang inaresto sa tangkang pagbebenta sa sanggol na seven days old pa lang.
00:10Habang sa Pampanga, bistado ang pambugaw-umanon ng isang ina sa dalawa niyang minor de edad na anak.
00:16May report si John Consulta.
00:17Laking gulat ng 37 anyos na babaeng ito nang pasukin ng mga tauan ng NBI ang bahay niya sa mga Balakat, Pampanga.
00:37Nadatnandoon at nasagip ang mga batang edad walo at labing isa, anak sila ng babae.
00:42Nadiskubre sa bahay ang sandamakmak na manalaswang video ng mga bata na kuha mismo ng kanilang ina.
00:50Mayroon ding nakumpiskang sex toys.
00:52Nagsimula ito last year, mga buwan ng November, December.
00:57Ngayong nanay ay limang taon na nag-i-engage sa ganitong klase ng hanap buhay.
01:05Pero ang binibenta niya ay yung sarili niya.
01:08Ayon sa NBI, sinimula nilang isurveillance ang bahay, bungsod sa pag-aresto ng isang dayuhan ng mga polis sa Thailand.
01:15Sa cellphone kasi ng dayuhan, may nakikita ang mga malalaswang video na ipinadala galing Pilipinas.
01:21Sa sahod ng asawa ko, kulang pa po lahat sa mga gastusin po namin.
01:27Basta sobra po.
01:28Pagsisisi ko po.
01:30Kung ano man yung pagkakamali ko, mapatawad niyo po.
01:33Sa oras na pagkandaan niyo, oras na naiintindihan niyo na lahat.
01:38Nakatakdang isa ilalim sa counseling at intervention ang mga bata.
01:41Sa Cabao, Quezon City, na-aresto ang limang suspect na nagtangka o manong magbenta ng sanggol na 7 days old pa lang ang isa sa kanila.
01:54Sinubukan pang pumalag.
01:55Meron nga daw po nag-tip sa kanila na may ibendahan nga ng baby.
01:59Actually, pang third na daw nila to na pagbenta ng bata.
02:03Nakakulong na sa PNT Women and Children's Protection Center ang mga suspect.
02:06Sinubukan pa ng GMA Integrated News na kunan sila ng pahayag.
02:11Dinala naman ang sanggol sa isang private child care facility.
02:14Sa datos ng National Authority for Child Care,
02:17labing tatlong social media groups ang namonitor nilang patuloy na nagaalok at nagbibenta ng mga bata online.
02:24Mula noong 2024, siyam na mga bata at sanggol ang nasagip.
02:28Labing apat na sa aspektaman ang dinakip.
02:31John Consulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:36Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
02:41Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Comments

Recommended