00:00Buo ang suporta ng House Leaders kay Speaker Martin Romualdez
00:04sa harap ito ng mga ugong na magkakaroon umano ng palitan sa Liderato ng Mababang Kupulungan.
00:10Ang detalye sa Balit ng Pambansa ni Mela Les Moras ng PTT Manila.
00:17Kumpiyansa ang ilang House Leaders na mananathili pa rin si House Speaker Martin Romualdez
00:22bilang pinulo ng Kamara hanggang sa 20th Congress.
00:25Ito ay sa gitna ng umuugong na magkakaroon umano ng palitan sa Liderato ng Mababang Kupulungan.
00:31Ayon kina House Deputy Speaker David J.J. Suarez at House Committee on Agriculture and Food Share Mark Enverga,
00:38buo ang kanilang suporta sa kasalukuyang pamunuan ng Kamara.
00:42Wala rin umano silang naririnig na nagtatangkang humalili kay Romualdez.
00:47Alam mo, hindi mo maiiwasan yun eh kasi syempre papasokat talaga sa bagong kongreso,
00:52ang daming upo-float, ang daming pangalan na babanggitin.
00:56Kasi lang sa amin, sa lakas, we're the dominant majority party.
01:00Kung di po ako nagkakamali, we have around 105 elected congressmen
01:06and we're 100% behind the leadership of Speaker Martin Romualdez.
01:11Of course, under the banner of continuity.
01:14We believe that si Speaker Martin will continue his term as Speaker.
01:20I guess it's just a matter of discussing it siguro in the coming month probably or soon enough.
01:28So I think tuloy naman ito. I don't know any rumors.
01:32Wala naman ako na didinig ng mga rumors dyan.
01:35Nagkaroon ng pulong ang ilang leader ng Kamara ngayong araw.
01:38Pero hindi umano ito loyalty check o show of force, kundi bahagi lang ng mga paghahanda para sa 20th Congress.
01:45There's so much work and preparations that need to be done,
01:49especially when it comes to issues like committee assignments.
01:54At ayaw naman po natin mangyari na kung kailan tumatakbo na yung kongreso,
01:59saka palang natin binubuo.
02:00So maganda, maaga pa lang, pinaghahandaan na natin ito para pagpasok po namin sa July 1.
02:07Trabaho na agad ang gagawin namin sa kongreso.
02:10Gate ni D.S. Suarez sa 20th Congress,
02:13pagtutuon na nila ng pansin ang pagpasa ng iba pang mahalagang panukala ng administrasyon
02:18patungkol sa ekonomiya, agrikultura, kalusugan at iba pang sektor.
02:23Sa ngayon, may umusbong ding issue na dahil umano sa pag-impeach ng Kamara
02:27kay Vice President Sara Duterte, humina ang boto ng administration slate
02:31nitong hatol ng Bayan 2025.
02:34Pero hindi sang-ayon dyan si Suarez.
02:37Kung titignan po natin yung willing rate ng mga congressmen na pumirma sa impeachment,
02:42I think that was at 86%.
02:45So sila po talaga yung dapat makaramdam kung meron man.
02:50Sa June 2, nakatakdang magbaliksesyon ang 19th Congress,
02:57kasabay ng araw ng State of the Nation Address ng Presidente.
03:02Mula sa PTV, Mela Lasmoras para sa Balitang Pampansa.