00:00May iba't ibang mungkahi ang mga kongresista para mas mapalawak pa ang 20 pesos rice program ng pamahalaan.
00:06Tiniyak ng Kamara na katawang sila ng administrasyon sa paghatid ng mas maginhawang buhay para sa mga Pilipino.
00:13Ang detalye sa ulat ni Melales Moras.
00:19Kumpiyansa ang liderato ng Kamara na malaki ang maitutulong ng 20 pesos rice program ng administrasyon sa mga Pilipino.
00:27Para mapalawak pa ito at maging mas pang matagalan, naghain din sila ng iba't ibang mungkahi na maaaring gawin.
00:35Ayon kay House Committee on Agriculture and Food Vice Chair El Rey Villafuerte,
00:40maaaring paigtingin ang masagana rice program para ang murang bigas maibenta hindi lang sa piling lugar kundi sa buong bansa.
00:47Sa ilalim ng kanyang proposal, bibigyan ng 40,000 pesos per hectare na pre-planting assistance ng gobyerno
00:53ang mga magsasaka sa ilalim ng ilang kondisyon para ang kanilang ani maibenta sa mas murang halaga hanggang sa makarating ito sa merkado.
01:02May kahalintulad din mungkahi si Agri Partialist Representative Wilbert Lee na nakapaloob sa kanyang panukalang Cheaper Rice Act.
01:10Bukod dito, maaaring rin daw gawin ang sumusunod.
01:12Dagdag na suporta sa mga post-harvest facilities tulad ng mga dryers, treasers, rice mills at transport facilities.
01:23Pati na ang pagpaparami sa mga kadiwa centers nationwide.
01:27Sabi naman ni House Speaker Martin Romualdez, maaaring magkasang gobyerno ng rice subsidy program
01:33kaysa direct cash transfer tulad ng ginawa sa Kamigin sa pagtutulungan ng LGU, DSWD at local retailers.
01:40Maaaring niyang pag-aralan ang modelong ito at handa rin tumulong ang Kongreso sa pagbuo ng pondo at mga patakaran ukol dito.
01:50Sa ngayon, may mga nakahain na rin panukala rito sa Kamara para mas mapagbuti pa ang sektor ng agrikultura sa bansa.
01:58Mela Les Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.