00:00Upabot sa halos 28 billion pesos ang naaprobahang foreign investments ngayong first quarter ng 2025.
00:08Nangangahulugan na maraming bansa ang interesado sa mga malalaking industriya.
00:12South Korea ang nanguna sa mga bansang nangako ng investments.
00:16Umabot ito sa 12.36 billion pesos o halos 44% ng kabuang halaga.
00:22Sumunod ang United States na may mahigit 3 billion pesos at ang China na may halos 2.9 billion pesos.
00:30Pinakamalaki ang pumasok na investments sa real estate tulad ng mga building, lupa at housing projects.
00:37Kasunod nito ang manufacturing at support services gaya ng mga office work at admin jobs.
00:42Sa kabuuan, ang total na investment ng mga dayuhan at mga Pinoy ay nasa 181 billion pesos.
00:49Kung kaya't kahit may mga pagbabago sa global economy, mananatiling matatag ang ekonomiya ng Pilipinas.