00:00Nakasungkit ng New York Knicks ng importanteng panalo sa Game 4 ng NBA Playoffs Eastern Conference
00:06contra sa defending champion sa Boston Celtics.
00:10Bukod pa riyan, nakatamo ng injury ang star forward ng Boston na si Jason Tatum.
00:15Para sa mga detalye, narito ang ulat ni teammate Rafael Bandayrel.
00:20Isang panalo na lang ang kailangan ng New York Knicks para patalisikin sa trono
00:26ang defending champion Boston Celtics.
00:30Naging pamilyar ang kwento ng Game 4 ng Eastern Conference Semifinals
00:36sa pagitan ng magkaribal ng mga kukunan.
00:39Nagpamalas ng malakas na panimula ang Celtics sa pangunguna ni superstar forward Jason Tatum
00:45at lumamang ng double digits na pumalo pa sa 14 puntos.
00:50Pero, huling nahanap ng Knicks ang kanilang ritmo sa huling quarter ng laro
00:55upang kablutin ang kalamangan sa late game.
00:59Nagpakawala si Jalen Brunson ng malahalimaw na 39 markers upang bumida
01:05sa 1-21 to 1-13 na panalo ng Knicks sa Game 4.
01:10Dahil dyan, lamang na sila 3 games to 1 sa serye.
01:14Ang mas masama pa para sa Celtics, nagtamu ng isang non-contact injury si Tatum sa huling quarter ng laro.
01:39Ito ay matapos niyang pumukol ng impresibong 42 points.
01:44Namilipit sa sakit si Tatum at kinailangang alalayan paalis ng hardcore.
01:49Inaasahan ding dadaan si Tatum sa MRI testing upang suriin kung anong uri ng injury ito.
01:55Hindi pa malinaw sa ngayon kung makapaglalaro ang 27-year-old All-Star sa Game 5 sa Boston.
02:01Pero, ayon kay reigning finals MVP Jalen Brown,
02:04wala na silang magagawa kundi subukang makipagsapalaran.
02:08Tonight is tough. I think everybody's kind of lost for words just because one losing the game.
02:16But obviously the concern with JT.
02:22But we pick our heads back up tomorrow and go from there.
02:27Sa Webes, ikalabing lima ng Mayo, oras sa Pilipinas,
02:32magkakaalaman na kung mananatili pang buhay ang pag-asa ng Celtics na depensahan ang kanilang titulo
02:38o kung tuluyan ang ukusad ng Knicks sa Eastern Conference Finals,
02:43bagay na hindi pa nagagawa ng Gullert-based franchise sa loob ng 25 taon.
02:48Rafael Bandayrel para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.