00:00Isang malaking hamon ngayon para kay Jiu-Jitsu Master Annie Ramirez
00:03ang pagbabawas ng kanyang timbang bago sumabak sa nalalapit na 2025 Asian Jiu-Jitsu Championship
00:10ngayong Mayo sa Annan, Jordan.
00:13Dalawang beses na ang pinagrinahan na 34-year-old Filipina grappler
00:16ang minus 57kg category kung saan ngayong taon
00:21sana itong nais bumawi matapos ang kanyang 3rd place finish noong nakaraang taon.
00:26Sinabi ni Ramirez na mas mahirap na ang weight cutting sa kasalukuyan
00:30kumpara noong nasa 20s pa lamang siya
00:33lalo na't nagdagdag siya ng mas maraming muscle mass
00:36at na mas mabigat at mas mahirap ibawas.
00:40Bilang isang 3-time SEA Games champion at dating Judo player
00:43target niyang maibalik ang corona sa Asian stage
00:46bilang paghahanda na rin para sa kanyang paglahok
00:49sa World Games sa Agosto sa China.