00:00Samantala ay pinagpapatuloy po kayo umaga ang pagkanba sa mga boto sa Tagum City sa Davao del Norte at naroon po si Jandy Esteban ng GMA Regional TV. Jandy?
00:14Yes, Ivan, Vicky at Mel, nag-concede na si Mayoralty Candidate Alan Relyon sa resulta na botohan dito sa lungsod ng Tagum City Davao del Norte.
00:24Nagpasalamat siya sa kanyang mga supporters at nire-peto niya yung kanyang resulta na botohan.
00:32Ang ibig sabihin ito, sigurado na ang panalo ng kanyang katunggalingan si incumbent Mayor Ray Uy na may mahigit 71,000 kontra sa 39,000 votes di Relyon.
00:43Ayon kay Comalic Officer ng Tagum City na si Atty. Gradiel Jim Casinto, hindi pa makakapag-proclaim.
00:50Dahil kailangan tapusin ang pagkanbas kasi may isa pa kasing presinto na hindi pa natatanggap yung resulta.
00:58Ito yung sa Don Ricardo Breeze Elementary School sa barangay Magugpo East.
01:04Ito'y dahil walang laman yung kanilang USB. Inaalam pa yung sanhi ng problema.
01:10Sinubukan naman itong imano-mano na i-upload pero walang may-upload kasi nga walang data, walang laman.
01:16Yung USB hinala nila baka raw nakorap. Susubukan uling resolbahin ang problema ngayong 10 a.m. sa pag-resume ng canvassing sala.
01:26Ang last resort nila, Ivan, ay mag-re-refeed ng mga balota.
01:31I-re-reconfigure muna ang USB ng machine at mag-re-refeed.
01:37Nasa humigit-kumulang 700 yung balota o votes ang bibilangin.
01:43So dagdag ni Atty. Casinto, maayos ang naging butohan.
01:46Dito sa Tagum City, nagkaproblema lang sa IP address ng server.
01:51Kaya na-delay yung pagtanggap ng mga resulta pero naayos din naman ito.
01:56Kahit may mga panalo na, hindi pa makakapag-proclaim kasi nga kailangan na makapag-generate ng certificate of canvas bago mag-proclama.
02:06So dito sa Tagum City, 82% yung turnout ng mga votes.
02:12Out of 177,000 registered voters, ang bumoto ay nasa 145,000.
02:20So nasa mahigit-kumulang 31,000 yung hindi bumoto.
02:24So far, so good. Hinihintay na lang yung pag-re-resume ng canvassing dito sa Tagum City Davo del Norte at makakapag-proclaim na ng mayor.
02:34Ivan, mula dito sa...
02:35Maraming salamat.
02:36Maraming salamat sa Tagum City Davo del Norte. Ako si John D. Esteban ng GMA Integrated News.
02:41Dapat totoo para sa eleksyon 2025.
02:44Maraming salamat sa iyo, John D. Esteban.
Comments