00:00At syempre dahil sa usapang padet, lipat naman tayo sa Balitang Tennis.
00:08Nagbahagi ng isang special na practice session si Filipina tennis sensation Alex Iala
00:13kasama ang retiradong tennis legend na si Rafael Nadal
00:17na muling bumalik sa tennis court kamakailan sa Mallorca, Spain.
00:21Sa social media post ng 22-time Grand Slam champion,
00:25ibinahagi nito ang video ng kanilang paginsayo ni Iala
00:29sa Rapa Nadal Academy.
00:31Matatandaang ang huling laro pa ni Nadal ay noong Nobyembre
00:35ng nakaraang taon sa Davis Cup Finals sa Malaga, Spain.
00:38Kung saan natalo siya kay Botic Van de Zant Schalp,
00:42patuloy namang naghahanda si Iala na Ranked World No. 50
00:45para sa mga susunod na torneo matapos ang kanyang breakthrough season sa WTA.
00:51Bit-bit ang kanyang semi-final run sa Miami Open
00:53kung saan tinalo niya ang former Grand Slam champions
00:56na si Helena Ostapenko, Madison Keyes at Iga Suateng.
01:02Mula sa Ranked No. 147 sa pagsisimula ng season,
01:05nagwagi si Iala ng kanyang unang WTA title sa Guadalajara Open
01:10noong September at nakapaglaro ng kauna-unahang Grand Slam main draw match
01:14sa Roland Garros.
01:16Sa ngayon, kasalukuyang isa si Iala sa mga pinagtipiliang ibandera
01:20ang Pilipinas sa papalating na 33rd Southeast Asian Games
01:24sa Thailand ngayong Desyembre.