00:00Comelec, 100% ng handa para sa halalan.
00:04Ang ahensya nagpaalala rin sa mga kandidato hanggang bukas na lang ang pangangampanya.
00:09May balitang pambansa si Louisa Irispe ng PTV.
00:13Louisa?
00:15Princess, handang-handa na ang Commission on Elections para sa hatol ng Bayan 2025 sa Lunes.
00:21Ayon kay Comelec Chairman George Irwin Garcia,
00:24katunayan ay 100% na sila sa mga preparasyon para sa botohan.
00:30Napadala na ang lahat ng automated counting machines at sumailalim na ito sa final testing and sealing.
00:35Naihanda na rin ang mga balota sa buong bansa at lahat ng presinto ay may kumpletong nakaposisyon na electoral boards.
00:43Kahit naman may banta ng kalamidad dahil sa nagdaang low pressure area na nalananta sa Mindanao kamakailan,
00:49tuloy pa rin umano ang halalan.
00:51May contingency plan din na binuo ang Comelec sakaling magkaroon ng baha o iba pang uri ng kalamidad.
00:58Samantala, may ilang paalala naman ang Comelec sa mga kandidato dahil hanggang bukas na lang ang kampanyahan.
01:04Kung maaari, tanggalin na ang mga posters dahil bawal na yan sa May 12.
01:09Bawal na rin ang kumamahagi ng sample ballots sa mga polling places sa eleksyon
01:14at bawal magbitbit na mga supporters sa mga polling places, magpakain o mag-alok ng libring sakay.
01:21Para naman sa mga botante, kung maaari, magdala na ng kodiko sa pagboto.
01:26Para sa mga nakatatanda, PWD at mga buntis, maaaring bumoto mula alas 5 hanggang alas 7 ng umaga.
01:33Para naman sa mga regular voters, bukas sa mga presinto mula alas 7 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.
01:40Mas mahigpit naman ang pagbabantay ng Comelec ngayong araw hanggang sa Sabado, Linggo at Lunes
01:46para sa mga posibleng kaso ng vote buying.
01:49Aminado ang call body, talamak ang mga ganitong gawain dahil mas malapit na ang halala.
01:54Panawagan nila kung may mahuhuli o makikita na sangkot sa vote buying, agad na isumbong sa kanilang tanggapan.
02:01At yan muna ang latest. Balik muna sa iyo, Princess.
02:04Maraming salamat, Luisa Erispe, na ang PTV.