00:00Samantala, dalawang low-pressure area ang nangingibabaw sa magkahiwalay na mga lugar sa bansa ngayon.
00:06Maging gun-up na bagyo kaya ang mga ito? At makakaranas ba tayo ng pagulan sa araw ng halalan sa lunes?
00:12Ang detalye sa Balit ng Pambansa ni Rod Lagusan ng PTV Manila.
00:18Mababa ang chance na mabuong bagyo ang dalawang low-pressure area na kasalukuyang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility,
00:25kung saan ang isa dito ay nasa coastal waters ng Kalibo Aklan na nakaka-apekto sa Visayas, Bicol Region, Mimaropa at sa Quezon.
00:34Posible pa rin magdala ng mga paulan kaya kahit low chance na maging bagyo,
00:38kailangan pa rin natin patuloy na mag-antabay sa mga ilalabas na update ng pag-asa,
00:42lalo na yung mga rainfall warning ng mga ating mga Regional Services Division.
00:47Anya, posible itong malusaw o gumalaw pa kanluran.
00:50Haba ang pangalawang LPA nasa layong 425 kilometers kanluran ng iba sambales
00:56at walang direktang epekto sa kahit anong bahagi ng bansa.
01:00Samantala, dulot ng localized thunderstorms ang nararanasan pag-ulan itong mga nakaraang araw tuwing hapon o gabi.
01:07Paliwanag ng pag-asa, kadalasan itong nangyayari sa buwan ng Mayo.
01:11Kapag mainit kasi yung panahon, mas nagiging maganda yung cloud development.
01:16So yung clouds kasi nabubuo through rising air.
01:19So kapag mainit, so mas rapid yung magiging development ng ating mga cumulus clouds.
01:27Sa tanong kung ganito rin ba ang aasaang panahon sa Lunes, May 12 ang araw ng eleksyon,
01:32lalo't kapag hapon ay kadalasan na may mga nakapila pa rin para bumoto.
01:36Currently, wala naman tayo nakikita ang mga weather system na magdadala ng pangmalawakan
01:41o pang matagalan na pag-ulan, at least based sa analysis natin for today.
01:46So nakikita natin on May 11, fair weather conditions pa rin tayo, possible mainit, maalinsangan,
01:52umaga hanggang tanghali, pero pagdating ng hapon, mas tumataas yung chance ng mga thunderstorm.
01:57Binigyang din ang pag-asa na kailangan din ikonsidera mga araw mula ngayon hanggang sa Lunes,
02:02kaya patuloy silang nakaantabay.
02:04Mula sa PTV Manila, Rod Lagusad, Balitang Pagbansa.