00:00Sa ibang balita, pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board,
00:05hinggil sa trahedyang nangyari sa SCTEX kung saan sampu ang nasawi,
00:10isinagawa na ngayong araw.
00:12Ang update niya, alamin sa sentro ng balita ni Bernard Ferrer live.
00:20Angelique, umaranggada na nga ang pagdinig ng LTF-4B hinggil sa malagim na aksidente sa SCTEX,
00:26na kumitil sa buhay ng sampung indibidwal.
00:29Ngayon paman, bigong makaharap sa pagdinig ang bus driver na sangkot sa insidente.
00:39Sa isang naguang pagdinig ng LTF-4B hinggil sa malagim na aksidente sa SCTEX,
00:45na kumitil sa buhay ng sampung indibidwal,
00:48hindi nakadalo ang driver ng bus ng Pangasinan Solid North na sangkot sa insidente.
00:53Ayon kay Atty. Alex Versosa,
00:56abogado ng kumpanya, kasalukuy na kakulong ang nasabing driver sa Tarlac
01:01at naghihintay pa ng ilang legal na proseso bago makapaglagak ng piyansa.
01:06Ipiniluanag ng abogado na kaya tumangging sumailalim sa drug test ang driver
01:10dahil sa pag-inom ng maintenance medicine na Losartan at Amlodophil
01:17na maaaring magtulo tumano ng pagkaantok.
01:19Takot siya na magpa-drug test dahil doon sa maintenance medicine niya.
01:29So inamin niya, yun yung iniinom niya.
01:32Pero yung araw na yun, hindi daw siya uminom.
01:35Ayos sa abogado, hindi umano na sabi ng driver sa pamunuan ng Solid North
01:40ang tungkol sa gamot dahil paminsan-minsan lamang umano niya itong iniinom.
01:44Maaaring inamang itinanggi ng abogado na nagtatago ang konduktor ng bus
01:48at niya nahirapan lamang itong makalakad bumsod ng tinamong pinsala sa paa.
01:53Patuloy naman umano ang pagbibigay ng Solid North
01:56ng pinansyal na tulong sa mga biktima at kanilang pamilya.
02:01Walang kapalit niyan ang buhay, walang katapat niya na pera.
02:06Makakapagbigay ng asistans yung kumpanya para lang maimsan ang pagdadalamhati ng mga pamilya.
02:17Tiniyak naman ang abogado na nakahandang Solid North na isurrender
02:21ang mahigit isang daampang plaka ng kanilang bus
02:24bilang bahagi ng pagtalima sa utos ng LTEFRB.
02:28Angelique, kaharap sa paginig sa May 21,
02:32ang bus driver at konduktor ng bus
02:35maging ang mekaniko ng Solid North
02:39upang malaman naman ang kondisyon ng mga bus na bumabiyahe.
02:43Maging ipinatawag din yung kinatawan ng Solid North
02:47upang malaman naman ang health protocols na ipinatutupad ng kumpanya.
02:51Angelique?
02:52Okay, maraming salamat, Bernard Ferrer.