00:00Umarangkada na ngayong araw ang Young Creatives Challenge Season 2 Grand Finale ng DTI,
00:06kung saan ipinamalas ang pagiging malikhae ng kabataang Pinoy.
00:09Yan at iba pa sa ulat ni Floyd Brands.
00:14Naglabas ang Taguig Regional Trial Court ng Temporary Restraining Order
00:18kung saan inuutusan ng Lokal na Pamahalaan ng Makati
00:22na i-turn over ang mga pasilidad ng pamahalaan sa Lokal na Pamahalaan ng Taguig
00:27na matatagpuan sa mga embo-barangays.
00:30Nagpasalamat naman si Mayor Lani Cayetano Kaugnay dito.
00:34Sinabi niya na tuloy na tuloy na ang serbisyo mula sa Taguig.
00:37Ang Makati LGU naman, hihilingin sa Korte na baligtarin ang TRO
00:42at plano rin sampahan ng kaso ang mga opisyal ng Taguig.
00:47Patuloy naman ang Department of Trade and Industry sa pagkilala ng natatanging galing,
00:52husay at pagkamalikhain ng mga kabataang Pinoy
00:55sa pag-arangkade ng Young Creatives Challenge Season 2 Grand Finale ngayong araw.
01:01Ito ang pinakamalaking pagtatanghal at kompetisyon
01:04para sa kabataang Pinoy na maipamalas ang kanilang pagiging malikhain.
01:11Patuloy ang National Commissions of Senior Citizens
01:14sa pangangalaga ng karapatan at benepisyo ng mga nakakatanda sa bansa.
01:19Kaugnay nito, maliban sa mga itinayo na community-based care centers,
01:24katuwang ang mga LGU sa Cebu, Iloilo, Bukidnon, Gotobato at Negros Oriental.
01:32Samantala, katuwang ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan,
01:36sinimulan na ng Kamara ang paghahanda para sa ikaapat na State of the Nation Address o SONA
01:41ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gaganapin ngayong Julio.
01:46Sa ngayon, binubuo pa nila ang magiging sistema at patakaran sa SONA.
01:51Bagabat isinasa pinal pa ang guest list.
01:55Floyd Brenz, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.