00:00Nakatakdang itayo sa labing siyam na lugar sa Metro Manila, ang 20 Bigas Meron Na program.
00:06Pinaplano naman ang pamahalaan na i-adapt ang distribution system ng 20 pesos kada kilong bigas sa Cebu.
00:12Ang detalye sa Balit ng Pambansa ni Vell Custodio ng PTT Manila.
00:18Ayon kay Margie, bumababa na ang presyo ng binibili niyang bigas.
00:22Yung nabibili ko kasi ngayon, 45 ang kilo. Yung magandang klase na yun.
00:27Yung nung araw kasi, anong mahal, sobrang mahal. Pero ngayon bumaba na siya.
00:32Mas ikinatuwa niya ng malamang magiging available na ang 20 pesos kada kilo ng bigas sa Metro Manila.
00:38Makakatipid pa kasi siya sa pang-araw-araw na gastusin.
00:41Ayun alam, sa ilaw, sa tubig, ganyan. Tapos yung mga supply ng mga bata, tulad ng mga notebook, lapis, papel, ganyan.
00:51Mula sa walo, labing siyam na lugar na sa Metro Manila ang nakatakdang itayo ang 20 peso meron na program.
00:58Ilan sa mga lugar na unang magbibenta ng 20 peso ng bigas ay ang Kamuning Public Market sa Quezon City,
01:04bagong silang Phase 9 Public Market sa Kaluokan na Votas Agora Complex at New Las Piñas Public Market.
01:10Habang simula naman sa May 15, matatagdagan na magbibenta ng 20 peso na kada kilo ng bigas.
01:17Kabila nito ang Phil Fayda sa Las Piñas, Bureau of Blood Industry sa Malate, Manila, Bureau of Animal Industry sa QC,
01:23Disipina Village, Ugong, Valenzuela City, Midway Park sa Kaluokan at maging sa Linggayen, Pangkasinan.
01:30Para iwas lugi sa mga magsasaka, mananatili pa rin na sa 24 pesos ang pagbili ng palay
01:35at bibigyang subsidiya ng gobyerno ang presyo ng bigas ng National Food Authority para mas maging abot kaya ito sa mga mamimili sa halagang 20 pesos kada kilo.
01:45Ayon sa NFA Warehouse sa Valenzuela at Food Terminal Incorporated,
01:49nananatili silang nakaabang para sa mandato ng DA sa rollout ng 20 peso sa NFA Rice.
01:55Samantala, pinaplano ng National Government na i-adapt ang distribution system ng 20 pesos ng bigas sa Cebu
02:01kung saan gagamin ang application o apps para sa distribution ng bigas sa kadiwa ng Pangulo.
02:06Magkakaroon lamang ng minimal changes sa apps na naaayon sa National Distribution System ng Bigas.
02:12Mula sa People's Television Network, VEL Custodio, Balitang Pambansa.