00:00Inaasahan pa rin ang pagbagal ng inflation dahil sa mababang presyo ng bigas, baboy at kamatis.
00:06Ayon sa ekonomistang si Michael Rigafort ng Rizal Commercial Banking Corporation o RCBC,
00:12bumaba ang inflation sa 1.6% noong Abril, mas mababa kaysa sa 1.8% noong Marso 2025.
00:20Git ni Rigafort, isa sa mga paunang hindahilan ay ang pagbaba ng presyo ng bigas.
00:25Itinakda ng pamahalaan noong Enero na mas mataas ang presyo ng importe na bigas kaysa sa lokal
00:30habang noong Pebrero, nagdeklara ang gobyerno ng food emergency para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin,
00:39samantalang nananatiling mababa ang presyo ng bigas sa buong mundo sa loob ng mahigit sa tatlong taon.
00:45Dagdag pa rito, nakatulong din ang pagtatatag ng Maximum Suggested Retail Price o MSRP
00:51sa presyo ng karnimbaboy, pati na rin ang mas magandang panahon sa Northern Luzon
00:57para magkaroon ng mas mataas na produksyon ng mga pananim.
01:01Bumagsak din ang presyo ng kamatis dahil sa maraming supply sa ilang bahagi ng bansa.
01:06Naging mas malakas naman ang piso kontra dolyar nitong Abril,
01:10kung kaya't naging mas abot kaya ang imported goods.
01:13Sa ngayon, inaasahang mananatili sa humigit kumulang 2% ang inflation sa unang pahagi ng 2025
01:20na pasok sa target ng Banko Sentral ng Pilipinas para mapababa pa lalo ang interest rates.