00:00Tuloy na tuloy na pag-e-benta ng 20 pesos na kada kilo ng bigas sa Visayas ngayong araw matapos itong aprobahan ng Commission on Elections.
00:09Tiniyak naman ang NFA Region 7 na ang mga ipadadalang sako ng bigas ay dumaan sa kanilang mga classifier.
00:17Kaya't makakaasa ang publiko na magandang klase ng bigas ang kanilang mabibili.
00:21Sa programa namang bagong Pilipinas ngayon, tiniyak ni Agriculture Department Secretary Chulorel na handa na ang lahat para sa pilot launch ng 20 bigas meron na sa Cebu.
00:33Nasa 800,000 pamilya o 4 na milyong individual ang inaasahang mabibenefisyuhan nito sa Western, Central at Eastern Visayas, ganun din sa Negros Island Region.