- 9 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Sunog, sumiklab sa residential area sa San Mateo, Rizal
Sunog sa isang compound sa Sampaloc, Maynila, hinihinalang sinadya ng mga armadong lalaki
Ashfall mula sa bulkang bulusan na bumalot sa ilang bahagi ng Sorsogon, nilinis sa clearing operations
Pagboto ng iba't ibang henerasyon, hinuhubog ng lipunan at kinalakhang panahon, ayon sa isang eksperto
Lalaki, pinagsasaksak ng kinupkop niyang katrabaho; suspek, nagalit umano dahil pinalayas
ICYMI: 'Wag daw malisyahan; Bawal hawakan; Patay sa pamamaril
Ilang senatorial candidates, tuloy sa pag-iikot at paglatag ng mga plataporma
P2.4B cash dividends na idineklara ng GMA Network, sumasalamin sa kumpyansa nito sa 2025 outlook ng kumpanya
Tumatakas na sasakyan, nahulog sa dagat
Mt. Pigingan to Mt. Ugo traverse hike
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Sunog sa isang compound sa Sampaloc, Maynila, hinihinalang sinadya ng mga armadong lalaki
Ashfall mula sa bulkang bulusan na bumalot sa ilang bahagi ng Sorsogon, nilinis sa clearing operations
Pagboto ng iba't ibang henerasyon, hinuhubog ng lipunan at kinalakhang panahon, ayon sa isang eksperto
Lalaki, pinagsasaksak ng kinupkop niyang katrabaho; suspek, nagalit umano dahil pinalayas
ICYMI: 'Wag daw malisyahan; Bawal hawakan; Patay sa pamamaril
Ilang senatorial candidates, tuloy sa pag-iikot at paglatag ng mga plataporma
P2.4B cash dividends na idineklara ng GMA Network, sumasalamin sa kumpyansa nito sa 2025 outlook ng kumpanya
Tumatakas na sasakyan, nahulog sa dagat
Mt. Pigingan to Mt. Ugo traverse hike
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00State of the Nation
00:30Inaalam pa ang lawak ng tinsala at sanhi ng sunog.
00:37Hinihinalang sinadya ang sunog sa isang compound sa Sampaloc, Maynila
00:40na pinasok umano ng mga armadong lalaki.
00:44Dalawa sa mga bantay sa compound ang nawawala.
00:46May report si Jomer Apresto.
00:52Nagngangalit na apoy at makapal na usok ang bumalot sa compound na yan sa Sampaloc, Maynila
00:56mag-aalas dos ng madaling araw.
00:58Umabot yan sa ikalawang alarma at nagtagal ng mahigit apat na oras bago naapula.
01:03Ayon sa Bureau of Fire Protection, nasa 6 na milyong piso ang halaga ng napinsala.
01:13Inibisighan pa ang sanhi ng sunog pero hinihinalang sinadya ito.
01:18Bago masunog ang compound, biglaro itong pinasok ng mga armadong lalaki
01:22at ginising ang isa sa tatlong caretaker.
01:25Pinadapa at itinali raw ang kanyang mga kamay.
01:27Pinadapa po ako yun and may bigla may sumabog.
01:30Mga naka-pacemask, nakapang-takip ng mukha po eh.
01:33Di ko tancha siya ko ilan sila, basta 6 or 5 motor na yung nakita ko yun.
01:37Di ko na po nakita yung dalawang kasama.
01:38Hinahanap ng mga otoridad ang dalawa niyang kasamahan.
01:41Wala ang kanilang amon na magkasunog.
01:43Sabi naman ng barangay, sira ang CCTV ng barangay na nakatutok sa lugar.
01:48Nag-iimbestiga pa ang mga polis sa sunog.
01:50Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:54Nag-sagawa na ng clearing operations sa mga lugar na naapektuhan ng ashfall
02:00mula sa pagputok ng bulkang bulusan kagabi.
02:03Ayon sa Office of Civil Defense,
02:05labing siyam na barangay ang naapektuhan sa mga bayan ng Erosin, Kuban at Bulan.
02:10Sa Erosin, mahigit 60 pamilya ang humiling na lumikas
02:14ayon sa Sorsogon PDRRMO.
02:17Ayon sa FIVOX, parehong phreatic eruption
02:20ang pagsabog kagabi at noong lunes ng madaling araw.
02:24Iba ito sa pagsabog dahil sa paggalaw ng magma ng bulkan
02:27na hindi pa nakikitang mangyayari pero mahigpit pa rin binabantayan.
02:31Mula hating gabi hanggang kaninang alas 8 ng gabi,
02:34nagbuga ang bulusan ng 1,605 tons kada araw ng sulfur dioxide,
02:39mas mataas kumpara sa mahigit 500 tonelada kada araw kahapon.
02:43Millenials represent sa darating na eleksyon.
02:55Tayong mga ipinanganak mula 1981 hanggang 1996
02:58ang pinakamaraming butante batay sa datos ng COMELEC.
03:02At ayon sa isang eksperto,
03:04depende sa kinalakhang panahon ng mga butante kung paano sila bumoto.
03:09May report si Von Aquino.
03:13Si Mona, Neil at Rosco ay pinanganak sa iba't ibang henerasyon.
03:19Pero pagdating sa pagpili ng iboboto,
03:22hindi nagkakalayo ang kanilang tipo.
03:24Education, skill and experience.
03:27Dapat yung plataforma de gobyerno niya
03:31ay malapit sa puso ko.
03:34Umay na umay na ako dun sa mga kingmakers na
03:37nagpapasa o nagpupush ng sarili nilang kandidato.
03:41Meron ba silang nagawa?
03:43Effective ba sila kung dati man silang nakaupo?
03:46Pangalawa, integrity and reputation.
03:49Tumatakbo ba sila para lang linisin ang pangalan nila?
03:52I would want a candidate to have good core values.
03:55Kailangan responsible.
03:58Kailangan maglakas yung konsensya niya.
04:00Sa datos na nakalap ng GMA Integrated News Research mula sa Pomelec,
04:0768.4 milyon ang reyestradong botante para sa eleksyon 2025.
04:12Pinakamarami ang mga millennial na ipinanganak mula 1981 hanggang 1996.
04:17Sunod ang mga Gen Z o yung mga pinakabatang henerasyon na mga botante na edad 18 hanggang 28.
04:23Ikatlo mga Gen X o yung mga ipinanganak mula 1965 hanggang 1980.
04:29Habang pinakakaunti ang mga mula sa baby boomers, silent at greatest generation.
04:35Ayon sa sociologist at political scientist na si Professor Louis Ignacio,
04:39bawat henerasyon may kanya-kanyang personalidad
04:42at ang kanilang pagboto na uhubog ng lipunan at panahon na kanilang kinalakihan.
04:47When we talk about Gen X, they grew up experiencing the latter part of the martial law.
04:55Much of their experience during the martial law has influenced their perception of the kind of politics,
05:03yung servisyon na ibinibigay ng gobyerno.
05:07Nung mga panahon na yun, ay nagagamit nila bilang batayan kung paano nila titignan yung klase ng gobyerno ngayon.
05:15For the millennials, these are the reform-oriented generation.
05:21Pag pumili sila ng kandidato, kinoconsider nila what they know from history, from the past,
05:29what they have learned from proper schooling, and their experience as professionals.
05:35With the faster pace of life of the Gen Zs, mas preferred nila na mag-access ng information sa new media.
05:44Most of them acquire their information through the internet.
05:49Dahil mas-expose sila sa social media, mas-expose din sila sa risk of falling victims to fake news.
05:58Magkakaiba rin daw ang kanilang pagtingin sa mga issue at ang tingin nilang solusyon sa mga problema ng bansa.
06:04Yung iba't-ibang generation may iba't-ibang experience ng corruption, may iba't-ibang experience ng leaders.
06:13Mahirap ikumawala doon sa kinalakhan na yun at basta tanggapin ang bagong pagtingin sa lipunan.
06:22Top three concerns or problema ng bayan na tingin nyo pa ay dapat tutukan ang mga susunod na leaders.
06:28Batas tungkol sa mga political dynasties.
06:31Universal healthcare.
06:32Inclusive education.
06:34Edukasyon na trabaho.
06:35Agricultura at pagkain or food security.
06:38Health.
06:39Education system.
06:40Unemployment.
06:41Transportation needs to be fixed as well.
06:42Dahil malaking porsyento ng mga botante ay mga kabatano edad 18 to 30, malaki ang impluensya sa magiging resulta ng eleksyon at sa magiging direksyon ng bansa.
06:54Kinakailangan malinaw para sa kanila yung kanilang kriteriya kung sino ang iboboto.
07:00Kailangan malinaw para sa kanila yung klaksi ng Pilipinas na gusto nilang datnaan sa hinaharap.
07:06Ang hamon daw sa mga botante. Ano man ang pinanggaling ang henerasyon, himayin ang bawat kandidato at kanilang plataporma.
07:15Pati ang responsibilidad ng mga hinahalalos sa gobyerno.
07:19Ang eleksyon sa Pilipinas ay isa talagang popularity contest.
07:23There's lack of appreciation of the requirements and the demands of the job.
07:34Kung paanong lahat ng mabubuong batas, lahat ng paraan ng pag-i-implement ng batas ay nakasalalay sa kakayanan at hindi lang sa kasikatan.
07:47Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:51Isang lalaki ang ilang beses sinaksak nang nakatrabaho niya sa pagkakabit ng posters sa Maynila.
07:59Kita sa CCTV nang dumukot ng patalimang sospek saka walang habas na nanaksak.
08:05Nakatakas ang sospek sakay ng isang motor.
08:08Habang ang kapatid naman ang biktima, nakatanggap daw ng pagbabanta mula sa sospek.
08:14Nagdala siya ng patalim ng ipatawag sa barangay kaugnay sa nangyari.
08:18Pero bigla raw itong nag-amok kaya hinuli.
08:21Dito na ikinuwento na isang buwan nang nakatira sa biktima ang sospek.
08:25Naggalit daw ito matapos palayasin.
08:28Patuloy ang backtracking ng mga otoridad para mahuli ang sospek.
08:38Malacanang nakiusap na huwag malisyahan ang apat na araw na libring sakay sa mga trend na nagsimula ngayong araw.
08:43Ang karaniwang libring sakay sa Labor Day sinadjaraw habaan para mas maraming makinabang.
08:48May sapat daw na pondong gobyerno para sa 80 milyon pesos na tinatayang lugin ng gobyerno sa apat na araw na libring sakay.
08:54Passport ng mga paseherong papasok sa naia hindi na pwedeng hawakan ng mga security personnel.
09:01Kasunod yan ang isidente hindi nakasakay ng aeroplano ang isang senior citizen matapos harangin dahil sa maliit na punit sa passport.
09:08Kailangan lang ipakita ng pasehero sa security personnel ng mga travel booking at ID habang hawak mismo ng pasehero ang pasaporte para ma-beripika.
09:18Dating kalimong mayor at mamamahayag na si Johnny Dayang patay sa pamaril.
09:23Nangyari yan habang nanonood ng televisyon si Dayang sa kanyang bahay kagabi, may tinitignan ng lead sa pagpatayang PNP.
09:30Pusibliyo manong may kinalaman sa politika at sa dati niyang trabaho ang krimen.
09:33Ivan Mayrina nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:39Nabing dalawang araw bagaw ang eleksyon 2025 patuloy sa pag-iikot at pangangampanya ang mga tumatakbo sa pagkasenator.
09:47May report si Mark Salazar.
09:51Ibinida sa Negros Occidental ni Kiko Pangilinan ang naipasan niya noong mga batas.
09:57Si Ariel Quirubin hinikayat ang mga manggagawa na bumoto ng mga tamang kandidato.
10:01Pagpapababa ng presyo ng pagkain lalo ang bigas ang idiniini Danilo Ramos.
10:06Kasama niya si na Jerome Adonis na pagpapataas sa National Minimum Wage ang itinutula.
10:11Si Rep. Franz Castro, good governance at paglaban sa korupsyon ang pangako.
10:17Paglaban sa dinastiya sa politika ang isinusulong ni Leode de Guzman.
10:21Nais ni Atty. Sani Matula bigyang insentibo ang mga mag-asawang limampung taon ng kasal.
10:27Binigyan diin ni Sen. Francis Tolentino ang pagtanggol sa West Philippine Sea.
10:31Nangako ng tulong sa agriculture and fishery sectors si Rep. Camille Villar.
10:37Reporma sa sektor na agrikultura ang isa sa mga itinutulak ni Benjur Abalos.
10:42Gustong isa batas ni Bam Aquino ang 200 peso legislated wage hike.
10:46Pagpapabuti sa sektor ng edukasyon at kalusugan ng nais tutukan ni Mayor Abibinay.
10:52Kapakanan ng mga taga Mindanao ang pangako ni Sen. Bong Revilla.
10:55Mababang presya ng bilihin ang tututukan ni Rep. Bonifacio Bosita.
11:02Political reforms ang inihayag sa aklan ni Teddy Casinio.
11:06Youth empowerment ang binigyang halaga ni Sen. Pia Cayetano sa Iloilo City.
11:12Magna Carta para sa barangay officials ang isinusulong ni Atty. Angelo de Alban.
11:17Paglapit ng servisyong medikal sa taong bayan ang prioridad ni Sen. Bonggo.
11:21Nagtungo sa Hagnabuhol si Ping Lakson.
11:27Si Atty. Raul Lambino idiniin ang kahalagahan ng Peace and Order sa bansa.
11:32Pension sa mga magsasaka at manging isda ang ikinampanya ni Sen. Lito Lapid.
11:36Trabaho at kabuhayan para sa mga mahihirap ang itinutulak ni Congressman Rodante Marcoleta.
11:42Libring pabahay para sa mahihirap at mga biktima ng sakuna ang nais ni Manny Pacquiao.
11:46Patuloy naming sinusunda ng kampanya ng mga tumatakbong senador sa eleksyon 2025.
11:52Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:00Dahil kumpiyansa sa hinaharap ng GMA Network ngayong 2025,
12:05nagdeklara ng kumpanya ng 2.4 billion pesos na total cash dividends.
12:10Katumbas yan ang 50 centavos kada share at matatanggap ng shareholder sa May 20, 2025.
12:15Ayon sa GMA Network, mas malaki ito kumpara sa net income after tax ng kumpanya noong isang taon.
12:22Pero pasok pa rin sa retained surplus account.
12:25Pagpapakita raw ito ng kumpiyansa ng Board of Directors at Management ng Kapuso Network
12:30sa matibay na financial fundamentals at positibong outlook nito ngayong taon.
12:35Naayon din yan sa commitment ng GMA na pagbibigay ng long-term value sa shareholders
12:41habang pinapanatili ang operational at fiscal resilience nito.
12:45Mula ng mailista sa Philippine Stock Exchange noong 2007,
12:49napanatili ng GMA Network ang track record nito sa pagbibigay ng mataas na dividend payout
12:55sa average ng 90% ng net income after tax nito kada taon.
12:59Pagkaatras ng pulang sasakyan nito sa Australia,
13:08sumayad ang gulong nito sa gilid ng pantalan.
13:11Mabilis itong umabante pero nawala ng kontrol at nahulog na sa tubig.
13:16Tinatakasan ang driver ang mga polis.
13:18Ayon sa mga ulat, nasangkot sa isang traffic incident ang sasakyan bago nahulog.
13:23Nahuli ang driver na sinubukan pang lumangoy para makatakas.
13:27Two summits in one height pero mahaba-habang lakaraan ang kailangang pagdaanan
13:37bago matraverse ang Mount Pigingan at Mount Ugo sa benggit.
13:42Gitae dyan kasama si Ian Cruz.
13:4650 km ang kailangang nakbayin.
13:50Sa 17 oras na tuloy-tuloy na paglalakad.
13:55Tatawid sa ilog ng Agno.
13:57Talaga na mga ganito.
13:59Pero sige.
14:00Daraan sa mga pine trees.
14:03At nakakalulang akyatan.
14:06Para sa mga batak na sa hiking,
14:08ang Mount Pigingan to Mount Ugo.
14:11Traverse hike ang isa sa mga summit goals.
14:16Adventure na di inurungan ng grupo ni na Rap Relly de Blas.
14:20Ang pinaka-challenge mo talaga is yung distance.
14:23Ayun, siguro yun yung kakaiba sa kanya.
14:26So kung gusto mong i-challenge yung sarili mo,
14:28kung siguro kung gaano,
14:30o kung hanggang saan yung kakayanin mo sa trail,
14:32ito yung I think na magandang bundok na puntahan.
14:35Dahil di biro ang traverse,
14:37dalawang araw ang binuno nila para rito.
14:41Nagsimula ang hike sa Mount Pigingan sa Itogon, Benguet.
14:46At matatapo sa Mount Ugo na may bahaging sako pa ng Nueva Vizcaya.
14:52Sobrang hangin and sobrang lamig din yung trail.
14:54So kahit may mga parts na open yung trail,
14:57hindi ka sobrang maiinit na.
15:00Sulit ang hirap dahil inyong matutumbok,
15:03360 view ng Cordillera Mountains mula sa Toktok.
15:07Mas ma-appreciate mo talaga yung summit.
15:10Sana huwag matakot yung mga tao na itry yung hiking
15:12kasi napakaganda nito sa kalusugan din.
15:16Ian Cruz, sa GBA Balita para sa GMA Integrated News.
15:21Yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon
15:25at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
15:28Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News,
15:31ang News Authority ng Pilipino.
15:34Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
15:38Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
15:51Mag-subscribe!
Comments