00:00Nakikipag-ugnayan na ang Office of Civil Defense sa iba't ibang ahensya ng gobyerno para masiguro ang efektibong pagtugon sa mga aktibidad ng mga bulusan sa sorsogon.
00:10Bahagi ito ng whole of government approach na ipinagutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang matiyak ang nagkakaisang pagkilos ng mga kagawaran sa panahon ng kalamidad.
00:22Inuutos din ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno ang mabilis na pamamahagi ng relief supplies na matagumpay rin namang nai-turnover sa lalawigan kagabi.
00:35Inatasan din niya ang OCD Region 5 na magsumite ng arawang situational report upang matiyak ang tama at napapanahong update.
00:43Inutos rin niya sa OCD na alalaya ng DSWD at DOH sa pamamahagi ng food packs at medical supplies.
00:52Base sa datos ng Provincial Information Office, abot sa 93,000 na residente mula sa walong bayan ang apektado ng pagpotok ng vulkan.