00:00Nakatakdang pasinaya ngayong araw ang PTV Marawi Regional Center
00:04na layong mas mapalawak ang pag-ibigay servisyo sa lanaw at buong barm
00:08at malabanan ng fake news.
00:11Yan ang balitang pambansa ni Vina Araneta live mula sa Marawi City.
00:16Vina?
00:18Nayo, may isang oras mula ngayon, formal nang bubuksan ang PTV Marawi Regional Center
00:23na nandito sa barangay Buwadi Sakayo sa Marawi City sa loob ng Capital Complex.
00:28Makikita niyo sa likod ko yung setup natin.
00:31May gagawin dito ng ribbon cutting ceremony.
00:33Inaayos na rin yung mga upuan.
00:36May maikli at simpleng programa na gagawin dito mamaya
00:39na pangungunahan ni PTV Network General Manager Atty. Robert Dolier
00:44at Lanawa Del Sur, Governor Mamintala Bombit Alonto Adyonga Jr.
00:52Ang pagpapatayo ng PTV Marawi Regional Center
00:56isang mahalagang hakbang para mas mapalakas ang serbisyon ng pamahalaan
01:01sa telebisyon ng Mindanao, lalo na sa Lanaw Del Sur at sa rehyon ng BORM.
01:06Layunin nito na mas maging bukas ang pamahalaan.
01:08Mas madali ang pagkuhan ng impormasyon na para sa mga mamamayan
01:12at maibalik ang tiwalan ng tao matapos ang krisis sa Marawi noong 2017.
01:17Sinimulan ang konstruksyon ng apat na palapag na gusali noong taong 2022.
01:21Simbolo ito ng pagtutulungan ng gobyerno at pagsisikap na makapaghatid ng totoo
01:27at makabuluhang impormasyon.
01:30Ang bagong pasilidad ay may modernong teknolohiya sa pabubroadcast
01:34at kayang mag-live broadcast, hindi lang sa buong Mindanao,
01:37kundi pati na rin sa buong bansa.
01:40May kakayahan itong mag-transmit ng power na 5 kilowatt.
01:43Bukod sa balita at ulat ng pamahalaan,
01:46itatampok din dito ang mga makukulay na kultura, tradisyon, turismo
01:51at kwento ng mga tao sa Lanao del Sur at mga karatig rehyon.
01:56Ayon kay Jeannie Alon Totamano, ang PIA ng Lanao del Sur,
02:00malaking oportunidad para sa mga taga-Lanao del Sur
02:03ang pagbubukas ng PTV Marawi
02:05para mas maging mabilis ang pagpapalaganap ng impormasyon
02:08at maiwasan ng fake news.
02:10Sabi pa niya na sa tulong ng maaasahang PTV network,
02:14lalabas ang tamang impormasyon.
02:17Nayumi, Desyembre lang noong nakaraang taon
02:20nang buksan din natin ang PTV Cotabato Regional Center
02:24at Pebrero lang ngayong taon,
02:26ang relay station naman ng PTV Tawi-Tawi
02:28para mas mapalakas ang info dissemination sa BARM.
02:32Nasundan pa ito ng pagbubukas ng ilan pang regional centers sa Luzon
02:37para mas mapalawak ang reach ng PTV.
02:40Inaasahan na ngayong taon,
02:42mas madadagdagan pa ang regional stations ng PTV.
02:46At yan muna ang latest mula dito sa Marawi City.
02:48Nayumi.
02:49Maraming salamat, Vina Araneta.