00:00Higit na tawa ng ilan nating kababayan sa Iloilo ang nalalapit ng pagbenta ng 20 pesos na kada kilo ng bigas.
00:07Tiniyak naman ang NFA Western Visayas na may sapat silang stock ng bigas para sa implementasyon ng programa.
00:14Si Nina Oliverio ng PTV Cebu sa Balitang Pambansa.
00:20Nagtitinda sa isang palengke sa Iloilo City si Nanay Melba.
00:24Bahagi ng kanyang kita sa pagtitinda ay napupunta sa pagbili ng bigas.
00:28Higit limampung piso ang kanyang nagagastos bawat kilo ng bigas.
00:33Kaya good news sa kanya ang 20 pesos na kada kilo ng bigas na ibibenta sa Visayas.
00:39Lalo na't sa kanilang pamilya, lima silang kumakain.
00:42Matagal namin hinihintay yung maham yung 20 pesos ng bigas.
00:46Mas napapasalamat ako sa ngayon kung mailonsa talaga at maibigay sa amin yung ganitong presyo ng bigas.
00:54Napapasalamat ako sa kasulukuyang administrasyon na ipatupad nila yung mababang presyo ng bigas.
01:01At marami silang matutulungan sa amin.
01:05Nitong lunes ay inilunsad ng provincial government ng Iloilo
01:08ang kanilang executive order sa pagpapatupad ng programang sipag at syaga for more progress sa bagong Pilipinas.
01:16Sa ilalim nito, ipatutupad ang pagbibenta ng 20 pesos na bigas.
01:20Section 3, that 20 pesos per kilogram rice para sa bayan
01:25at syaga for more progress sa bagong Pilipinas
01:31together with the DA, the DOH, and such other partners with the program developed
01:36shall implement the President's Program of 20 kilograms rice para sa bayan
01:43or we call it RTV at 20.
01:45Target ng programa na malutas ang problema sa pagkain at malnutrisyon lalo na sa mga kabataan.
01:53Tiniyak naman ang NFA Western Visayas na may sapat silang stock ng bigas para sa implementasyon ng programa.
01:59Ang figures po natin, rice-wise ho, we have 105,000 bags at 50 kilograms of NFA rice.
02:10Ang palay naman po natin, 1.5 million bags po.
02:14So sa Region 6 ho, marami ho tayong budega.
02:19We have 21 and around 60 to 85 percent puno po ang mga budega po natin.
02:26Pinirmahan ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. ang Executive Order
02:31kasama ang ilang opisyal sa Department of Agriculture at National Food Authority ng Western Visayas.
02:36Mula dito sa Iloilo, ako si Nina Oliverio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.