Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Bentahan ng P20/kg na bigas, sisimulan na sa Cebu sa May 1; P20/kg ng bigas, mabibili na sa lahat ng Kadiwa ng Pangulo stores sa May 2

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Una po sa ating mga balita, akarangkada na sa Labor Day, Mayo 1 ang bentahan ng 20 pesos kada kilong bigas sa Visayas Region.
00:08Sisimula naman ito sa mga kagiwan ng Pangulo Store sa unang linggo na Mayo.
00:12Ang detalye sa Balitang Pambansa ni Clay Zelfardilla ng PTV Manila.
00:19Maingat na tinatakal ni Marso ang sinasaing na bigas para walang masayang.
00:24Hindi rin kamahalan ang pinipili niyang bigas na naglalaro sa 40-50 pesos kada kilo.
00:31Kailangan kasing magtipid, lalot mahal ang presyo ng bigas at mabigat ang matrikula ng kanyang dalawang anak na nag-aaral.
00:39Maganda yung mura kasi sa halip na mahal yung mabibili mo, at least meron ka pang masisip.
00:45Ang good news ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sisimula na ang pagbibenta ng BBM rice o 20 bigas mo o 20 pesos na bigas sa unang araw ng Mayo kasabay ng Labor Day.
01:02Aarangkada yan sa probinsya ng Cebu.
01:04So, uumpisahan na rin ang bentahan ng murang bigas sa lahat ng makadiwan ng Pangulo sa May 2, araw ng Biyernes.
01:13Katuparan ito sa pangako ni Pangulong Marcos na gawing abot kay ang presyo ng bigas para matulungan ang mga Pilipino.
01:21Kabilang din ito sa mga hakbang ng pamahalaan para matugunan ang kahirapan at kagutuman.
01:27Mahalaga po ang kapakanan ng taong bayan kay Pangulong Marcos, papalawigin pa po ang mga programa para matugunan po ang mga isyo patungkol po sa kahirapan at kagutuman.
01:40Yan po ang talagang ninanais at pinapalawig pa po ang programa para ito po ay matugunan.
01:47Kabilang napuwa rito ang 20 pesos kada kilo na bigas, nandiyan pa rin po ang programang walang gutong program ng DSWD.
01:56Idagdag pa po natin ang patuloy patungkol dito sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
02:01Ayon sa Department of Agriculture, makabibili ng 20 bigas mo sa mga kadiwa center,
02:07ang mga nasa vulnerable sector tulad ng mga solo parent, may kapansanan, may hirap at senior citizen gaya ni Clarita.
02:17Hanggang 30 kilong bigas ang pwedeng bilhin kada buwan o katumbas ng 600 pesos.
02:24Higit na mas mura yan kaysa sa higit isanlibong presyo ng kalahating kaba ng well-milled rice.
02:30Mas gusto ko yun, mas makakatipid lalo ako dun.
02:33E ngayon, yung limang kilo kong bigas baka abuti ng tatlong buwan, dalawang buwan pa yun.
02:39Kasi 20 pesos lang yun eh.
02:41Paglilinaw ng Malacanang galing ang murang bigas mula sa ani ng mga magsasaka.
02:46Una nang sinabi ng Agriculture Department na maayos ang kalidad ng mga NFA rice na pawang mga well-milled rice.
02:54Ang well-milled rice ay nagkakalaga ng 38 hanggang 54 peso sa mga palengkit.
03:00Siniguro ng palasyo na magiging sustainable upang matagalan ang pagbibenta ng murang bigas hanggang matapos ang 2025 at paglalaanan ng budget sa susunod na taon.
03:12Kaugnay niyan ipinagmalaki ng palasyo ang mataas na rice buffer stock ng National Food Authority.
03:20Alingsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang pagbili ng palay ng mga magsasaka ngayong panahon ng anihan.
03:30Ayon sa NFA, papalo na sa 10 mayong sako ng palay ang nabili ng ahensya.
03:36Aabot naman sa 8 mayong sako ng bigas ang inventaryo o supply ng NFA.
03:42Pinakamataas sa bilang ito simula 2020 na sapat para pakainin ang lahat ng mga Pilipino sa loob ng 10 araw.
03:51Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, may natitirang 12 bilyong piso para sa patuloy na pagbili ng palay ngayong summer harvest.
04:02Dagdag pa ng NFA, ang tuloy-tuloy na pagbili ng palay ay hindi lamang para sa mga magsasaka,
04:08kundi para rin sa mga pagbibigay ng mas abot kayang bigas sa mamamayan.
04:13Ang mga hakbang na yan, hindi lamang mahalaga para matulungan ang mga magsasaka kung hindi para matiyak na may sapat na supply ng bigas na maaring gamitin sa panahon ng kalamidad o emergency.
04:28Mula sa PTV Manila, Calaisal Pardilia, Balitang Pambansa.

Recommended