00:00Magandang balita, ilulunsad na ang tig-20 pesos na bigas sa unang araw ng Mayo kasabay ng Labor Day.
00:07Tiniyak naman ang Malacanang na magiging pangmatagalan ang pagbibenta ng murang bigas hanggang sa susunod na taon.
00:14Si Claes Alpardilla sa Sentro ng Balita, live.
00:19Yes, Angelique, aarangkada na ang pagbibenta ng Administrasyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:25ng tig-20 pesos na bigas sa unang araw ng Mayo kasabay ng Labor Day.
00:35Ayon sa Malacanang, sisimulan ito sa probinsya ng Cebu.
00:40Uumpisahan na rin ang bentahan ng murang bigas sa Kaniwa Store sa Kazun City sa susunod na linggo May 2, araw ng Bielnes.
00:48Katuparan ito sa pangako ni Pangulong Marcos na gawing abot kaya ang presyo ng bigas para matulungan ang mga Pilipino.
00:57Kabilang din ito sa mga hakbang ng pamahalaan para matugunan ang kahirapan at kagutuman.
01:04Mahalaga po ang kapakanan ng taong bayan kay Pangulong Marcos.
01:09Papalawigin pa po ang mga programa para matugunan po ang mga isyo patungkol po sa kahirapan at kagutuman.
01:16Yan po ang talagang ninanais at pinapalawig pa po ang programa para ito po ay matugunan.
01:25Kabilang na pong warito ang 20 pesos kada kilo na bigas,
01:29nadyan pa rin po ang programang walang gutong program ng DSWD.
01:33Idagdag pa po natin ang patuloy patungkol dito sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
01:37Paglilinaw ng Malacanang galing ang murang bigas mula sa mga ani ng mga magsasaka na binili ng National Food Authority.
01:49Pinasinungalingan din ito na may amoy.
01:51Ang 20 pesos na bigas na una ng sinabi ng Department of Agriculture na maayos ang kalidad at itinuturing na well-mealed rice.
02:01Ang well-mealed rice, sabi ng NFA, ay ito yung nakakalaga ng 37 hanggang 54 peso sa palengke.
02:09Siniguro ng palasyo na magiging sustainable upang matagalan ang pagbibenta ng murang bigas hanggang matapos ang 2025
02:17at paglalaanan ang budget sa susunod na taon.
02:21Kaugnay niyan, ipinagmalaki ng Malacanang ang mataas na supply ng bigas ng National Food Authority.
02:28Alingsunod ito sa direktiba ni Pangulong Marcos na paigtingin ang pagbili ng ani ng mga magsasaka ngayong panahon ng anihan.
02:38Ayon sa NFA, papalo na sa 10 milyong sako ng palay ang nabili ng ahensya.
02:44Aabot naman sa 8 milyong sako ng bigas ang inventaryo ng NFA.
02:49Pinakamataas na bilang ito simula ng 2020 at sapat para pakainin ang lahat ng mga Pilipino sa loob ng 10 araw.
03:00Sa ngayon ay may 12 milyong piso pa na pondo ang NFA para sa palay procurement.
03:06Ayon kay NFA Administrator Larry Laxon, may natitirang 12 bilyong piso para sa patuloy na pagbili ng palay ngayong summer harvest.
03:19Dagdag pa ng NFA, ang tuloy-tuloy na pagbili ng palay ay hindi lamang para sa mga magsasaka,
03:25kundi para rin sa mga pagbibigay ng mas abot kayang bigas sa mamamayan.
03:29Angelique, mahalaga ang pagbili ng National Food Authority ng palay para matulungan ang mga magsasaka at madiyak
03:38na mayroong sapat na supply na bigas ang Pilipinas na maaring i-distribute sa panahon ng kalamidad o may emergency.
03:47Yan na muna ang pinakahuling balita. Balik sa'yo, Angelique.
03:52Alright, maraming salamat sa'yo, Clayzel Pardilia.