00:00Una po sa ating mga balita, ipinagtataka ng Malacanang kung paano nagkaroon ng video
00:05ng umano'y mababang klase ng bigas na iniuugnay sa 20 pesos per kilo na programa ng pamahalaan.
00:11Gayong pinaplano pa lang naman ang rollout nito.
00:14Ayon sa Palacio, isa na naman itong malinaw na fake news.
00:18Ang detalye sa Balitang Pambansa ni Kenneth Pasyente ng PTV Manila.
00:22Ito ang kumakalat na video kung saan pinapakita ang hindi magandang klase ng bigas.
00:30Ayon sa post, ito raw ang binibenta sa halagang 20 pesos na iniuugnay sa programa ng pamahalaan.
00:36Ayon sa Palacio, malinaw na paninira lamang ito ng mga kritiko.
00:40That's fake news. Disinformation.
00:44Mag-ingat po tayo, lalo-lalo na po, na nakita po, pinakita po ni Sen. Tolentino,
00:51ang halaga sa isang tseke para sa mga keyboard warriors.
00:58So dito po, mag-ingat po ang mga Pilipino dahil ang ibibenta po na bigas ay yun sa mga authorized outlets.
01:04Pagtataka pa ng Malacanang, paano magkakaroon kaagad ng ganitong klase ng bigas?
01:09Gayong binabalangkas pa ng Department of Agriculture at mga LGU
01:13ang pag-rollout ng programa sa Visayas Region.
01:16Yan, malinawa nila ang motibo na may ilang ayaw magtagumpay ang programang ito ng pamahalaan.
01:21Hindi pa po nasisimulan ang paglabas ng bigas na ibibenta sa market at sa kabiwa.
01:30Patungkol po dito sa proyektong ito.
01:32Hindi pa nga nakikita, wala pang nakikitang bigas na ibibenta.
01:37Pinipinta sana. Pinipinta sana panghayo.
01:41Sinabi na rin po ni Sekretary Laurel ang pagkadismaya niya sa statement na ito ng Vice Presidente.
01:48Sa harap ng mga puna, muli namang binigyang diin ng palasyo na maitutuloy ang programa
01:52para tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.
01:55Kasabay ang pagtitiyak na maayos na klase ng bigas ang ibibenta.
01:59Ang kagustuhan po ng Pangulo ay makapagbigay na magandang servisyo sa inyo.
02:04Huwag po natin hayaan ang mga ganitong klase ng pananalita ay makasira.
02:09Hindi lamang sa Pangulo kung hindi sa buong bansa.
02:11Hindi pa po nagro-roll out itong mga ibibentang bigas.
02:14Hintayin na lang po natin kapag natapos na po yung guidelines at nailabas na po ito
02:19at saka natin mapapakita kung ano ba ang magiging resulta para sa mga kababayan natin
02:26lalo na pagka nasa laylayan ng lipunan.
02:29Nilinaw din ang Malacanang na unang ipatutupad ang programa sa Visayas Region
02:33dahil unang nagpahatid ng kagustuhan na makipagtulungan ang mga lokal na opisyal doon.
02:38Mula PTV Manila, Kenneth, Pasyente, Balitang Pambansa.