00:00Habang patuloy na lumalapit ang araw ng halalan, isang hindi inaasahang banta ang lumulutang.
00:07Hindi lamang para sa mga kandidato, kundi pati na rin para sa mga mamamahayag.
00:12Ayon sa Presidential Task Force on Media Security,
00:15ang mga banta at intimidasyon na nararanasan ang mga mamamayag
00:20ay nagiging isang malubhang pagsubok sa kalayaan ng pamamahayag sa bansa
00:25at isang malupit na hamon sa demokratikong proseso.
00:29Si Carlo Abelliana, magbawalita.
00:35Iniimbestigahan ngayon ng Presidential Task Force on Media Security o PTFOMS
00:40ang mga ulat ng pagbabanta at karasan laban sa mga mamamahayag habang papalapit ang midterm elections sa May 12.
00:49Ang mga insidente ito ay nagdudulot ng matinding pangamba sa mga media practitioners
00:54na may tungkuling maghatid ng makatarungan at tapat na impormasyon sa publiko.
00:58Ito ay kasunod ng umunoy pagbabanta ni Lapas Abra Mayor Joseph Bernos
01:04sa isang radio reporter sa pambamagitan ng Facebook Messenger at video call noong April 21.
01:10Ayon sa pahayag ng PTFOMS nitong Webes,
01:13nakikipagtulungan na sila sa Philippine National Police upang beripikahin
01:17ang mga aligasyon at masuri ang kalagayan ng seguridad ng mga mamamahayag.
01:22Bagamat walang nasaktan, itinuturing itong seryosong banta sa kalayaan ng pamamahayag.
01:28Dagdag pa ni Undersecretary Jose Torres Jr., isang veteranong mamamahayag,
01:32siniseryoso nila ang lahat ng uri ng banta sa media at determinado ang kanilang ahensya
01:38na protektahan ang mga mamamahayag habang ginagampanan nila ang kanilang mahalagang tungkulin sa demokrasya.
01:45Hinimok din ni Torres ang lahat ng kandidato sa halala na magpakita ng respeto
01:50at pagpapahalaga sa kalayaan ng pamamahayag na isang pangunahing haligin ng demokrasya.
01:56Anya, mahalaga na bigyan ng espasyo ang mga mamamahayag na gampanan ang kanilang tungkulin ng tapat at walang pangamba.
02:03Dapat Anya ay magkaroon ng isang ligtas at makatarungang kapaligiran
02:08kung saan ang mga mamamahayag ay maaaring maghatid ng impormasyon
02:12nang hindi natatakot sa anumang uri ng ganti o karahasan mula sa sinumang may kapangyarihan.
02:18Muling nanawagan ang PT Forms para sa responsabling pamamahayag
02:22at binigyang diin ang kahalagahan ng etikal na pag-uulat sa gitna ng mga hamon sa kasalukuyang panahon.
02:28Samantala, kinundi na rin ng National Press Club ang anumang uri ng pananakot laban sa media.
02:33Pina-alalahana ni NPC President Leonel Abasola ang mga kapwa mamamahayag na mag-ingat sa kanilang pag-uulat
02:41at yaking totoo at balanse ang impormasyong inilalabas sa publiko.
02:45Nangako ang task force na paiigtingin ang imbisigasyon at agad na ipatutupad
02:50ang mga kinakailangang hakbang upang mapanatili ang kaligtasan ng media workers ngayong election season.
02:57Para sa Diyos at Pilipinas Kumala, Carla Abeliana, SMNI News.
Comments