00:00Handa na ang magiging puntod ni Pope Francis sa Basilica of St. Mary Major sa Roma.
00:05Gawa yan sa Marmol na galing Liguria, Italy, ang pinagmula ng mga ninuno ng Santo Papa.
00:12Tuloy-tuloy rin ang paghahanda sa St. Peter's Basilica na ilang oras na lang ay isasara na.
00:17Ang latest sa paghahanda sa Papal Funeral sa report ni Vicky Morales.
00:24Sa gitna ng public viewing sa St. Peter's Basilica sa Vatican,
00:28agaw pansin ang isang madring wala sa pila, nakatayo sa gilid, tahimik na umiiyak.
00:34Siya si Sister Genevieve Gening Ross, walumput dalawang taong gulang.
00:39Malapit siyang kaibigan ni Pope Francis at ilang beses daw nakasama at dinalaw ng Santo Papa.
00:45Halos isang daan at tatlumpung libong taon na ang dumalaw at nagbigay pugay sa People's Pope sa St. Peter's Basilica.
00:53Ang iba, sa Basilica of St. Mary Major ang tungo kung saan ang pang-apat na gabi ng pagdarasal ng Rosario sa Santo Papa,
01:02pinungunahan ni Luis Antonio Cardinal Tagle.
01:05Para sa libing bukas, handa na ang kanyang simpleng puntod sa Basilica.
01:10Gawa ito sa marmol mula Liguria, Italy, ang pinagmulan ng mga kaanak ng Santo Papa.
01:15Sa Basilica na binibisita niya noong buhay pa para dasalan ang imahen ng Birheng Maria na sa Luspopili Romani,
01:24pitong mga naonang Santo Papa na ang nailibing.
01:28Siya rin ang unang ililibing sa labas ng Vatican matapos si Pope Leo XII mahigit isang siglo na ang nakalipas.
01:36Ilang oras bago isara ang kabaong, tuloy-tuloy pa rin ang paghahanda para sa makasaysayang funeral sa St. Peter's Square.
01:44Nandito po tayo ngayon sa St. Peter's Square at sa isang kanto nitong plaza,
01:50makikita natin itong scaffolding na itinayo para sa mga member ng media na magko-cover sa funeral mass ni Pope Francis.
01:58At eto naman sa isang kanto ng St. Peter's Square,
02:02itong area kung saan nagkumpul-kumpulan ang mga broadcast journalist mula sa iba't ibang panig ng mundo.
02:09At eto naman sa isang bahagi ng St. Peter's Square, makikita natin itong mga puting tent na ito.
02:15Ito yung mga medical tent, may mga paramedic dyan para magbigay ng paonang luna sa mga nangangailangan nito.
02:23Kasama sa mga dadalo si na Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Lisa Araneta Marcos.
02:29When I met him, he's humble, he's crying, and I feel like you're blessed in God.
02:34Abala ngayon sa pag-asikaso sa kanila ang Philippine Embassy to the Vatican na ilang hakbang mula sa St. Peter's Basilica.
02:41Masayang inalala ng mga tauhan ng embassy ang paglapit sa kanila ng Santo Papa tuwing may diplomatic functions.
02:49Kabilang na si Ambassador Mayla Makahilig.
02:52The most memorable will be the time that I presented my credentials to him as the Philippine Ambassador to the Holy See.
02:59It's my first assignment as an ambassador.
03:02I had my family with me and si Pope Francis was very kind and very generous in his time when we were presented to him.
03:12Mula rito sa Vatican City, ako po si Vicky Morales para sa GMA Integrated News.
03:18Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
03:22Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
03:25Mag-subscribe na sa GMA Integrated News.
Comments