00:00Mga kapuso, iyan po ang live na kuha sa St. Peter's Square sa Vatican,
00:05kung saan nagtutungo ang mga deboto at nagluluksa sa pagpanaw ni Pope Francis.
00:11Inilagak ang kanyang labi sa isang simpleng kabaong na nasa loob ngayon ng chapel sa Casa Santa Marta.
00:18Bukas, ililipat ito sa St. Peter's Basilica, kung saan maaari siyang masilayan ang publiko hanggang biyernes.
00:25Pero hindi doon ililibing si Pope Francis taliwas sa nakagawian.
00:30Sa labas ng Vatican, ang pinili niyang huling hantungan.
00:33Unang beses ulit mangyari para sa isang Santo Papa, matapos ang mahigit isang siglo.
00:40Mga kapuso, maging una sa saksi.
00:43Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments