00:00Inalabas ng social weather stations ang resulta ng kanilang voter preference for senator survey na ginawa po ngayong Abril.
00:15Nakatutok si Mariz Umali.
00:16Sa social weather stations survey na kinumisyon ng strat-based consultancy, labindalawang pangalan ang nasa listahan ng mga posibleng manalong senador sa election 2025.
00:31Ito ay sina Senador Bongo, Congressman Irwin Tulfo, Senador Lito Lapid, dating Senate President Tito Soto, incumbent Senators Pia Cayetano, Bato de la Rosa at Bong Revilla Jr.,
00:42broadcaster na si Ben Tulfo, Makati City Mayor Abby Binay, Congresswoman Camille Villar, at mga dating Senador Ping Lakson at Manny Pacquiao.
00:52Isinagawa ang survey noong April 11 hanggang 15, 2025 sa pamagitan ng face-to-face interviews.
00:581,800 registered voters nationwide na edad labing walo pataas ang tinanong kung sinong kanilang iboboto sa pagkasenador kung gagawin na ang eleksyon noong panahon ng survey.
01:08Mayroon itong plus minus 2.31% na error margin.
01:12Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali na Katutok, 24 Horas.
Comments