00:00Pumalo na sa mahigit isang bilyong piso ang halaga ng pinsala sa agricultural products
00:05ang naitala sa Canlaon City kasunod ng pag-alboroto ng Bulkang Canlaon.
00:10Ang sento ng balita niya niya, atid ni Jesse Atienza live.
00:16Yes, Angelique, tama ka dyan. 1.6 billion pesos na ang damages sa agriculture products dito sa Canlaon City.
00:24Ayon yan, mismo sa alkalde na si Jose Chubasco Cardenas.
00:27Andito nga ako ngayon sa Canlaon City, dito sa lalawigan ng Negros Oriental.
00:32Sa likod nga natin, iyan na yung Bulkang Canlaon.
00:36Medyo hindi natin siya makita ng klaro dahil natatakpan ito ng mga ulap.
00:41Kanina ay business as usual ang Canlaon City Hall kung saan nakapanayam natin si Mayor Cardenas.
00:48Patuloy ang pagbibigay nila ng tulong sa ating mga kababayan.
00:52Ayon nga sa LGU ng Canlaon City, nasa 2,600 internally displaced persons o IDPs ang patuloy na nanunuluyan sa walong evacuation camps.
01:04Sa ngayon, humihingi ng tulong ang LGU ng Canlaon City sa National Government at Office of Civil Defense,
01:10lalo na sa paggawa ng panibagong sistema o strategiya para matulungan sila sa sitwasyong para sa kanila ay history in the making.
01:18Dahil sa nasa 5 to 6 months na rin nasa pangangalaga nila ang mga IDPs.
01:24Nasa 10 buwan na rin nasa hirap na sitwasyon ang kanilang mga kababayan dito,
01:28simula ng unang pumutok ang Bulkang Canlaon noong Hunyok ng nakaraang taon.
01:33Ang DSWD naman ay patuloy sa pagbibigay ng family food packs sa mga kababayan natin nasa evacuation camps
01:40at tinitiyak din ang kalusugan ng ating mga kababayan.
01:44Sa ngayon, Angelique, ay patuloy na nagbibigay ng tulong ang lokal na pamala ng Canlaon City sa kanilang mga kababayan dito,
01:52lalo na sa mga magsasaka.
01:54Isa na riyan yung pagbibigay ng hose ng tubig para magamit nila sa kanilang mga taniman
02:00dahil sa patuloy na matinding init na panahon na nararanasan dito.
02:04At yan muna ang mga huling balita mula sa Canlaon City sa lalawigan ng Negros Oriental.
02:09Ako si Jesse Atienza.
02:11Balik muna dyan sa inyo sa studio.
02:13Angelique.
02:14Okay, maraming salamat sa iyo, Jesse Atienza.