00:00Aviso po sa mga motorista, pansamantalang isasarain lang bahagi ng Commonwealth Avenue para bigyandaan ang kasalukuyang paggawa ng MRT Line 7.
00:08Pinaalalahanan ng Department of Transportation o DOTR at San Miguel Corporation, MRT 7 Incorporated ang publiko patungkol sa pagsasarad ng mga linya ng kalsada
00:19sa pagitan ng University Avenue at Tandangsora Avenue na kukonekta hanggang sa istasyon ng tren sa Tandangsora.
00:27Magsisimula ang pagsasara sa nasabing kalsada mula alas 10 ng hapon sa darating na Sabado, March 15, hanggang Linggo ng alas 4 ng umaga, March 16.
00:39Pinayuhan din po ng ahensya na maghanap ng mga alternatibong mga ruta ang mga motorista.
00:45Humingi din ang paunawa at kooperasyon ng ahensya at siniguro ang ginhawang magdudulot ng proyekto kapag natapos na ang proyekto.