Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, ibinunyag ni Atty. Joseph Noel Estrada na nahaharap sa demandang syndicated estafa ang Kapuso actor na si Ken Chan.
Nagkakahalaga raw ng PHP14 million ang perang hinahabol sa aktor ng kanyang kliyente na hindi niya muna pinangalanan.
Ihahain sana kay Ken ang Warrant of Arrest sa kanya dahil sa pormal na siyang kinasuhan ng Quezon City Prosecutor's Office, ngunit hindi natagpuan ng mga aaresto sa kanya si Ken sa bahay nito.
Ayon kay Atty. Estrada, pangalawang beses nang inisyuhan ng Warrant of Arrest si Ken. Bigo ring naihain sa kanya ang unang warrant.
#kenchan #estafa #pepinterviews
Video: Rachelle Siazon Edit: Rommel Llanes
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv