00:00Itatalagang Cardinal ni Pope Francis si Bishop Pablo Virgilio David na kasalukuyang presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP.
00:11Kabilang siya sa dalawamput isang inanunsyo ng Santo Papa kahapon na itatalagang bagong cardinal sa isang opisyal na seremonya sa December 8 sa Vatican City.
00:21Kwento ni Bishop David online, inakala niyang biro lang ito nung una.
00:26Anya, tinatanggap niya ang bagong yugto at bagong tungkulin at ipinagkakatiwala sa Diyos ang kanyang buhay.
00:34Si Bishop David na ang magiging ikasampung Pilipino na naging cardinal.