00:00Saktong isang linggo ang nakalipas mula ng pinungunahan ni Pope Francis ang Easter Mass sa St. Peter's Square.
00:08Nandito po tayo ngayon sa Pontificio Collegio Filipino.
00:11Dito po naninirahan ang mga kardinal kapag nandito sila sa Roma.
00:15At dito rin pangungunahan ni Cardinal Tagle ang isang misa.
00:22Kapansin-pansing nangayayat siya mula ng mawalan siya ng isang itinuring niyang mahal na kuya at gabay.
00:30Pagkatapos ng misa, magiliw siyang kinamusta ng mga bisita kasama na ang kapuso nating si Jessica Soho.
00:39Maging ang Pilipinong chef na si Jessie Sinshoko na ipinagluto ang Santo Papa nung bimisita siya sa Pilipinas.
00:46Ano pang paborito ng Santo Papa?
00:49Roast beef.
00:50Roast beef po. Talagang grabe yung roast beef po.
00:53Talagang sabi niya, enjoy na, enjoy siya daw.
00:56Agad din umalis si Cardinal Tagle dahil ngayon magkikita ang mga kardinal sa Vatican at sabay-sabay na magbubus para bisitahin ang Santo Papa sa Basilika ng Santa Maria Maggiore.
01:08Mula sa Roma, Vicky Morales para sa GMA Integrated News.
01:13Yes, Ivan. At sa mga sandaling ito, yung haba ng pila na nakita natin sa St. Peter's Square dati, e dito na, lumipat sa likod nitong Basilika de Santa Maria Maggiore.
01:24E, talagang ito yung para sa mga deboto na gusto nga ang mga silayan, ang final resting place ni Pope Francis.
01:33At maya-maya, susubukan din natin makapasok dyan para makita rin natin itong inscription na Francisco.
01:40Maraming salamat. Vicky Morales, Taguulat Live, mula sa Rome, Italy.
01:54Maraming salamat.
Comments