00:00Mga Kapuso, kumpara nung mga nakalipas na linggo, kung kialan halos sunod-sunod ang mga bagyo,
00:08asahan ang unti-unting pagganda ng panahon sa malaking bahagi ng bansa.
00:13Ayon sa pag-asa, nakamonsoon break kasi tayo.
00:16Ibig sabihin, pansamantalang nawala ang epekto ng habagat,
00:20kaya hindi na malawakan at tuloy-tuloy ang mga pagulat.
00:24Sabi ng pag-asa, Easter Leaves o mainit na hangin galing sa karagatang Pasipiko
00:29ang iiral.
00:30Magiging maalinsangan ng panahon sa halos buong bansa,
00:34pero posible pa rin ang localized thunderstorms.
00:37Base sa datos ng Metro Weather,
00:39mababa ang tsansa ng ulan sa umaga.
00:42May mga kalat-kalat na ulan sa ilang bahagi ng Palawan, Samar, Zamboanga Peninsula,
00:48Karaga at Davao Region.
00:50Sa hapon, posible na rin ang ulan sa Ilocos Provinces,
00:54Central Luzon, Cagayan Valley, Mindoro Provinces,
00:57pati sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
01:00May heavy to intense rains dahil sa thunderstorms,
01:03lalo na sa Mindanao, kaya maging handa sa bantanang baha o landslide.
01:08Sa Metro Manila, posible rin ang ulan bandang hapon o gabi.
01:12Samantala, magiging mas mahaban na po ang gabi
01:15kesa sa araw sa mga susunod na linggo at buwan.
01:18Kasunod yan ng autumnal equinox kahapon,
01:21kung kailan naging halos pantay ang haban ng oras sa araw at gabi.
01:25Abangan din ang unti-unting pagpasok ng amihan na magdadala ng malamig na panahon.