Skip to playerSkip to main content
  • 2 years ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Target buksan sa Agosto ang iba pang bahagi ng Pasig River Urban Development Project na magpapadali sa pamamasyal sa Old Manila.
00:08May unang balita si Jonathan Andal.
00:15Inikot ni Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza ang bagong bahagi ng Pasig River Urban Development Project mula Jones Bridge hanggang Intramuros.
00:24Hindi lang to basta pasyalan, may inalaan kasi rito 32 pwesto para sa mga gustong magtinda sa gilid ng ilog na pagkukunan ng pondo sa maintenance ng proyekto.
00:34Sa taas ng mga tindahan ang view deck kung saan pwedeng lakaran, mag-jogging at mag-bisikleta.
00:40Sa Agosto na ito target buksan sa publiko na magpapadali rao sa pamamasyal sa Manila Old Town.
00:47Dahil imbes daw sumakay, pwedeng maglakad na lang sa gilid ng ilog mula sa mga food store sa Binondo hanggang sa mga makasaysayang Intramuros at Luneta Park.
00:57Gagawa rin daw ng boardwalk mula Plaza de Mexico hanggang Fort Santiago.
01:02At mas dadali na rin daw ang paglalakad mula Intramuros sa puntang Quiapo.
01:06Pero kamusta naman kaya ang amoy sa gilid ng ilog Pasig?
01:10Hindi masang-sang pero meron paring hindi magandang amoy yung Pasig River.
01:14Pero sabi ng gobyerno, meron na daw silang ginagawang paraan para masolusyonan yan.
01:33Umaasa ang gobyerno na kapag dumami ang bumisita sa esplanad, dadami rin ang advocates ng pagsalba sa Pasig River.
01:39At kalaunay, mababawasan na ng tuluyan ng mga nagtatapo ng basura sa mga estero at ilog.
01:58Noong Enero, binuksan ang unang bahagi ng esplanad sa likod ng Manila Central Post Office hanggang Jones Bridge.
02:03At sa susunod na tatlong taon, plano ng Pangulo na tapusin na ang pagpapaganda sa buong 25 kilometrong haba ng gilid ng Pasig River
02:12mula Laguna de Bay hanggang Manila Bay para magmukha raw tulad ng sa Europa.
02:34Nasa 12 bilyong piso ang buong gagastosin sa proyekto, sabi ni Secretary Acuzar.
02:39Pero wala naman daw gastos ng gobyerno dahil pinagambagan nito ng pribadong sektor sa tulong ng panghihikahat ng unang ginang.
02:46Yan ang unang balita sa Manila.
02:48Jonathan Andal para sa GMA Integrated News.
03:03www.gmainews.tv
Comments

Recommended