Lotto draw ng PCSO, posible nga bang madaya? | The Mangahas Interviews
  • last month
Sa pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement, inilatag ni Sen. Raffy Tulfo ang ilang iregularidad sa lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Isa na rito ang kaso ng isang mananaya na 37 beses umanong nanalo sa loob ng anim na buwan, na ang kabuuang premyo na nakubra ay umabot sa P8.325 para sa three-digit lotto.

Pinabulaanan naman ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang mga akusasyong ito. Depensa ni Robles, ang tinutukoy umano ni Sen. Tulfo ay isang “lotto agent” na pinakiusapan ng mga nanalong mananaya na kumuha ng kanilang papremyo.

Panoorin ang kanyang buong panayam kaugnay sa iba't ibang isyung ibinabato sa PCSO sa The Mangahas Interviews.

BASAHIN ang pahayag ng POLAAi: https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/901987/lottery-agents-dare-pcso-s-robles-to-show-proof-of-scam/story
Recommended