POONG, THE JOSEON PSYCHIATRIST (SEASON 2) Soundtrack: "Ang Nais Ko" (2023)

  • 8 months ago
Artist: Gel Aquino
Courtesy of: GMA Music

Magbubukas na ulit ang klinika na gagamot sa inyong mga puso, ang 'Poong, the Joseon Psychiatrist' Season 2 sa GMA.

Samahan muli si Yoo Se-poong (Kim Min-jae) sa pagbabalik niya sa palasyo, kung saan magsisimula silang muli ni Gye Ji-han (Kim Sang-kyung) ng bagong Gyesu clinic sa Hanyang. Dito, susubukan nilang gamutin ang isang epidemya na bumabalot sa palasyo.

Ngunit magagamot kaya ni Poong ang sakit at puso ng mga tao kung ang sarili niyang puso ay nangungulila kay Seo Eun-woo (Kim Hyang-gi)?

Abangan sa 'Poong, the Joseon Psychiatrist' Season 2 ngayong Oktubre 16, 10:20PM, sa GMA.