STILL (VIU Original Series) Soundtrack (2021)

  • 9 months ago
Malapit nang mapanood sa GMA ang VIU original web musical series na Still. Ito ay pinagbibidahan ng ilang mga premyadong aktor, kabilang na ang Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose at Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista.

Ang Still ay kuwento ng limang aspiring musicians na nagpunta sa isang songwriting camp sa kasagsagan ng pandemya. At dahil sa enhanced community quarantine na ipinatupad, mapipilitan ang limang campers at kanilang mga mentors na manatili sa camp.

Dito, matututunan nilang malampasan ang kanilang sitwasyon, madidiskubre ang kanilang mga sarili, at makakabuo ng matitibay na pagkakaibigan sa tulong ng musika.

Makakasama rin nina Julie Anne at Christian sina singer and actress Bituin Escalante, theater actress at 'Ang Huling El Bimbo' star Gab Pangilinan, at marami pang iba.

Abangan ang Still simula August 7, Mondays-Fridays 10:20-10:50 PM.

Recommended