Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Miyerkoles, December 1, 2021:
- Kumakandidatong konsehal at 2 niyang kasama, patay sa ambush; anggulong election-related ang insidente, tinitingnan - Mt. Pinatubo, patuloy na mino-monitor ng PHIVOLCS kasunod ng naitalang phreatic eruption kahapon - PHIVOLCS: Taal Volcano, nagbuga ng steam plume na may taas na 1,800 meters at 5,228 tonnes ng sulfur dioxide; may namataan ding volcanic fog - Ilang nagtitinda ng baboy at manok, hirap sa pagbebenta bunsod ng taas-presyo - Mga walk-in sa Pasig, maagang pumila sa day 3 ng national vaccination - Dalawang nagbebenta umano ng mga pekeng vaccination card, huli - Modified coding ng private vehicles sa Metro Manila, simula na mamayang 5pm-8pm (Monday - Friday except holidays) - Pagtatayo ng North South Railway Project, ininspeksyon ng mga taga-DOTR - Benta ng mga nagtitinda, unti-unti nang lumalakas habang papalapit ang Pasko - WHO: Pagsusuot ng face shield, hindi na kailangang gawing mandatory ulit basta nasusunod ang health protocols - Tanong sa Manonood: Ano ang masasabi mo na posibleng ipatupad ang mandatory vaccination sa bansa sa gitna ng banta ng Omicron variant? - Rider na nakabanggaan ang kasalubong na tricycle, patay - Cellphone ng batang nag-ti-tiktok sa kalsada, hinablot ng riding-in-tandem - DOH: 425 ang naitalang bagong COVID cases sa bansa kahapon, pinakamababa simula Hulyo ng nakaraang taon. - Weather update - Janitor sa NAIA, isinauli ang napulot niyang bag na may lamang US $10,000 o mahigit P500,000 - Whang Od, nilagyan ng tattoo ng kaniyang tagahangang tattoo artist din - John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, reunited sa isang proyekto; ikinuwento ang mga natutunan sa isa't isa sa muling pagtatambal - Panayam kay PHL Medical Association President Dr. Benito Atienza - DOH: Nakapamahagi na ng mahigit P15 bilyong halaga ng mga benepisyo sa healthcare workers - Pinoy dunkers, viral matapos magaya ang "Dunk of Death" ni dating NBA star Vince Carter - 3 South African national na dumating sa bansa noong Nov. 26, naka-quarantine sa Negros Occidental - Mga binabakunahan sa NAIA Terminal 4 ngayong ikatlong araw ng national vaccination drive, karamihan ay frontliners - Mangingisdang Pinoy at community environmentalist na si Robert "Ka Dodoy" Ballon ng Zamboanga Sibugay, kasama sa awardees