Dumating ngayong gabi sa NAIA ang mahigit 797,000 doses ng Pfizer Biontech CoVid vaccine.
Meron ding mahigit 141,000 Pfizer doses na dineliver ngayong gabi sa Cebu.
Bukas naman ang para sa Davao city.
Lahat ng iyan, binili ng gobyerno.
Sa Metro Manila, lagpas pitong milyon na ng target population ang fully vaccinated sa CoVid, ayon sa MMDA.
Tataas pa raw 'yan ngayong puspusan ang bakunahan at dating ng supply.
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 11:00 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
Comments